SA pamamagitan ng Facebook posts ni Noel Ferrer, Spokesperson ng Metro Manila Film Festival, nakuha namin kung sinu-sino ang nag-uwi ng tropeo sa katatapos na Manila International Film Festival (MIFF) Awards night ng Biyernes Pebrero 2 (Sabado naan dito) na ginanap sa Directors Guild of America sa Sunset Boulevard, Los Angeles, California USA.
Ang mga nanalo sa MIFF ay ang mga sumusunod:
Best Actor – Piolo Pascual (Mallari) at Dingdong Dantes (Rewind)
Best Actress – Vilma Santos (When I Met You in Tokyo)
Best Supporting Actress – Alessandra de Rossi (Firefly)
Best Supporting Actor – Pepe Hererra 9 Rewind)
Best Picture – Firefly (GMA Pictures)
Best Director – Zig Dulay (Firefly)
2nd Best Picture at Audience Choice Award – GomBurZa (JesCom Philippines/MQuest Ventures/CMB Film Services)
Baka Bet Mo: Produ ng ‘Mallari’ balak gawan ng movie si Liza; Mentorque hataw ngayong 2024
Best Screenplay – Angeli Atienza (Firefly)
Best Cinematographer – Carlo Mendoza (GomBurZa)
Special Jury Prize — Becky & Badette
Trailblazer Award — Mark Dacascos
Lifetime Achievement Award – Ms Hilda Koronel
Pioneer Award – Secretary of Interior & Local Government Ben Hur Abalos
Trailblazer Awards – Atty Don Artes & Atty Rochelle Ona, Mark Dacascos
Hindi pareho ang taste ng mga juror ng MIFF sa MMFF dahil sina Piolo at Dingdong ang napili nila para sa best actor category at natalo nila si Cedric Juan na Metro Manila Film Festival.
Pero nagka-isa naman sa pagpili ng best actress category, si Ms Vilma Santos-Recto na hindi nakarating kaya’t ang leading man niyang si Christopher de Leon ang tumanggap ng kanyang tropeo.
Parehong Firefly ang napili ng MIFF at MMFF sa best picture category.
Hindi naman nakarating si Zig Dulay para personal sanang tanggapin ang best director trophy kaya’t ang GMA Films producer ng Firefly na si Atty. Annette Gozon-Valdes ang tumanggap.
Si Dingdong ang tumanggap ng award ni Pepe bilang best supporting actor para sa pelikulang Rewind.
Ang aktres na si Ysabel Ortega at GMA Films producer Atty. Annette Gozon-Valdes ang tumanggap ng tropeo ni Alessandra para sa best supporting actress.
Ang IdeaFirst producer ng Becky & Badette na si Perci M. Intalan ang tumanggap ng Special Jury Prize kasama si Eugene Domingo.
Samantala ang mga jury sa katatapos na Manila International Film Festival na kasama rin sa post ni Noel ay sina Marie Jamora (Head of the Jury), Mari Acevedo, Leah Anova, Reggie Lee, David Maquiling, Sumalee Montano