Produ ng ‘Mallari’ balak gawan ng movie si Liza; Mentorque hataw ngayong 2024

Produ ng 'Mallari' balak gawan ng movie si Liza; Mentorque hataw ngayong 2024

“THANK you again Liza (Soberano) for Love and Support! Hopefully we can work together soon!”

Ito ang caption ng “Mallari” producer na si John Bryan Diamante sa larawan ng aktres na si Liza Soberano na ipinost niya sa kanyang Facebook account.

Pero nauna na rito ang paglabas ng larawang magkakasama sina Bryan, Liza, Ron Angeles at Direk Derick Cabrido sa TCL Chinese Theater sa Hollywood Boulevard, Los Angeles California.

Caption ni Bryan, “Thank you Hopie. For joining us on our Hollywood Premiere of #MallariTheMovie.”

Kung hindi kami nagkakamali ay sa Team Mallari lang nakapagpa-picture si Liza at base rin sa nalaman namin ay nagsabi nga si Bryan na sana’y magkatrabaho sila ng aktres pagbalik nito ng Pilipinas.

Dumalo si Liza sa pagbubukas ng kauna-unahang Manila International Film Festival kung saan ipinalabas ang 10 entry sa Metro Manila Film Festival 2023.

Baka Bet Mo: Talent fee ni Piolo hindi tinawaran ng producer ng ‘Mallari’ na si Bryan Dy: ‘Nahihiya pa nga ako dahil…’

Maraming naka-line-up na pelikula ang Mentorque Productions ngayong taon bago sumapit ang Metro Manila Film Festival 2024.

Samantala, ang saya-saya ng Team “Mallari” nina Bryan, Omar Sortijas, direk Derick, Rona Banaag kasama ang dalawang pangunahing bida ng pelikula na sina Piolo Pascual at Janella Salvador.

Full house kasi ang first screening ng pelikula nang magbukas ang Manila International Film Festival at naging maayos ang takbo ng panayam mula sa mga nanood.

Base sa post ni Bryan, “Full House, Thank you guys for the love and support! Thanks TJ Manotoc hosting the audience Q&A. #MallariTheMovie.”

Napanood ang “Mallari” nitong Enero 29 at ngayong araw Pebrero 1 sa Chinese 6 Theater at Pebrero 2 sa Directors’ Guild of America sa Sunset Boulevard Los Angeles California.

Samantala, sa Pebrero 2 ang MIFF Awards night at ang Jury head ay si Ms. Marie Jamora kasama sina Mari Acevedo, Leah Anova, Regie Lee, Davod Maquiling at Sumalee Montano.

Read more...