PBA Season 39 bubuksan sa Davao, Cebu, NCR

PARA masigurong bongga at kakaiba ang pagbubukas ng Season 39 ng  Philippine Basketball Association sa Nobyembre 17 ay magkakaroon ito ng tatlong opening games sa Metro Manila, Cebu at Davao.

Bubuksan ng Talk ‘N Text ang kampanya nito para sa ikaapat na diretsong kampeonato sa Philippine Cup sa pagharap nito sa Meralco sa New Cebu Coliseum.

Magtutuos naman ang Governors’ Cup champion San Mig Coffee at ang nagpapalakas na Barangay Ginebra sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Aarangkada naman ang liga sa Davao sa pagsagupa ng Commissioner’s Cup titleholder Alaska Milk sa Rain or Shine.

Ito ang napagkasunduan ng PBA Board of Governors sa meeting nito kahapon sa Sydney, Australia.

Para makapaghanda rin ang Gilas Pilipinas sa paglalaro nito sa 2014 FIBA World Cup sa Setyembre ay nagdesisyon din ang liga na gawing apat (Linggo, Miyerkules, Biyernes at Sabado) ang playing days nito kada linggo.

Nangako rin ng buong suporta sa Gilas Pilipinas ang bagong PBA board chairman na si Mon Segismundo ng Meralco na umaasang makapagtapos sa Top 16 ang koponan sa 2014 FIBA World Cup.

Read more...