JANINE, ELMO palaban sa halikan, LAUREN asar-talo

Ready sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona sa kissing scene. Four days bago mag-pilot ang pinakabagong Afternoon Prime ng GMA na Villa Quintana this Monday kapalit ng Mga Basang Sisiw, magsisimula pa lang din ng taping si Elmo for the show directed by Gina Alajar.

Kuwento nga ni Direk Gina sa presscon ng show that also stars Raymart Santiago, Sunshine Dizon and Paolo Contis, ang mga napanood na eksena ni Elmo sa audio visual presentation is not actually part of the show, pang-promo lang daw ito para ma-check na rin ang chemistry nina Elmo at Janine, remember ang last show kasi nila together, magkapatid sila.

Say ni Direk, may chemistry naman ang dalawa and while we’re talking to the two young stars, aminado silang pagtatrabahuhan nila ang chemistry for the show dahil for one, mahaba ang itatakbo ng soap, 23 weeks, so dapat may kilig sila.

Handa ang dalawa sa ganito and in fact, both said willing sila to do kissing scenes for their show dahil unang bida soaps nila ito for both.

Surprising nga ang sagot ni Elmo sa amin na never pala silang nagka-kissing scene ni Julie Anne San Jose sa lahat ng shows nila.

As to Janine, okay din daw ang kissing scene dahil single naman siya ngayon and she’s old enough to do this lalo na’t thankful siya for this show.

Hindi na nga namin naitanong si Elmo kung sa kaniya naman ay walang magagalit sakaling maghalikan na sila ni Janine for Villa Quintana.

As we’ve said nga yesterday, nag no comment sa amin si Elmo sa mga tanong namin about him and his supposed girlfriend Lauren Young so we can only take it face value na baka wala ngang magagalit sakaling magsimula nang maghalikan sila ni Janine for the sake of art.

( Photo credit to Google )

Read more...