DIRETSO naming tinanong si Charice Pempengco kung may plano ba silang magpakasal ng girlfriend niyang si Alyssa Quijano sa Amerika kung saan legal ang same sex marriage nang makatsikahan naming siya sa ginanap na “One Voice” presscon na isang benefit show na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Nov. 4 para sa mga biktima ng lindol sa Bohol.
Diretso rin itong sinagot ng singer, “Siyempre hindi po ngayon at hindi next year at the same time, ayoko pong magsalita ng tapos.
“Naisip na po namin at napag-usapan, ‘Ano kaya, kailan kaya tayo magpapakasal?’ mga ganyan po, pero hindi ‘yung anong kulay (motif) o ganito.
Napag-usapan namin kung saan magse-settle at kung saan magtatayo ng bahay at kung saan tatanda,” sabi ni Charice.
Sumunod na tanong ay kung may plano silang mag-ampon o magkaroon ng sariling anak?
“Adopting or there’s another way, ‘yung in vitro (fertilization) ba ‘yun?” kaswal na sabi ni Charice at dinugtungan namin kung sino ang magbubuntis dahil si Aiza Seguerra ay willing magdalangtao, “Ay siya (Alyssa) po.
Ha-hahaha!” natawang sagot ng singer. “Alam n’yo po, kung kinakailangan, gagawin ko po (magbuntis) kaso ang sabi niya (Alyssa) sa akin, gusto niya siya, pero kung kinakailangan ako, gagawin ko at saka kinukulit niya ako na, ‘Gusto ko kamukha mo.’”
At dahil kinikilig si Charice habang nagsasalita, tinanong siya kung kinikilig sila ni Alyssa kapag napag-uusapan nila ang mga ganitong bagay, “Siyempre po. Ha-hahaha! Ang landi ‘no?” sabi ng singer.
Na-curious ang lahat kung bakit Bohol ang napili ni Charice na maging beneficiary ng “One Voice” concert niya gayung napakaraming probinsiya na ang nasalanta rin ng lindol at baha, “Bago po kasi mangyari ‘yung earthquake, nandoon po kami sa Bohol, one week.
Hindi po ako taga-Bohol, sabi ko kasi sa manager ko, gusto kong magbakasyon kasi anniversary namin ni Alyssa,” kuwento ng singer.
“Kaya po espesyal sa akin ang Bohol kasi sobrang na-touch ako sa mga tao dahil sobrang (mababait). Kasi po, may mga taong taga-Manila, sorry to say, pero alam naman nating may ibang tagilid ang mga ugali (maarte, mayabang) ganyan, parang doon sobrang totoo sila, mababait, friendly. Mase-separate mo talaga ‘yung mga taga-Bohol at taga-Manila.
“First night palang, pinaka-memorable sa akin, nag-traysikel ako tapos may mga nakakilala sa akin, kumakaway sila, tapos sabi ni Manong (drayber), ‘O, may mga kakilala ka pala rito, eh.’ Tapos sabi ko, ‘Hindi po, fans ko po sila.’ Tapos sabi niya, ‘Fans, bakit artista ka ba?’ Hindi niya ako nakilala.
“Tapos sabi ni Alyssa, ‘Si Charice po ito.’ Tapos sabi ni manong ‘E, pu****! Si Charice ka pala!’ “Gusto ko kasi ‘yung ganu’ng feeling na kapag nakikita ka, they don’t care what you are, they don’t care who you are.
Kasi madilim po no’n, kaya na-surprise ako na nakilala ako ng mga nagmo-motor, naunahan lang po namin sila tapos maya-maya kasunod na namin sila, mga estudyante gabing-gabi na naglalakad.
Na-touch ako kasi the way they treated me, hindi ko sila kakilala pero feeling ko na sobrang close ko na sila agad. “Siguro ‘yung iba, sasabihin,
I’m just saying this kasi may concert ganyan, pero kasi nu’ng nalaman kong nangyari ‘yun (lindol), nagpunta rin kasi kami sa Baclayon Church, nakita ko ‘yung picture, nakita ko ‘yung before and after, sabi ko grabe, nakatayo tayo diyan, nagpa-picture pa tayo diyan, tapos ngayon halos wala ka nang ma-recognize,” kuwento ng singer.
“Doon ko po na-realize na gusto kong tumira sa Bohol, maski na nagkaroon ng earthquake, e, mauudlot ang plano ko. Kaya ko po gagawin ang concert na ito kasi gusto ko pong makatulong para mapabilis ‘yung pag-recovery nila,” sabi pa ni Charice.
Samantala, inamin din ni Charice na mas nagustuhan niya ang Bohol kaysa sa Amerika na ilang beses na niyang napuntahan.
“Ay siyempre naman po.
At first noong hindi pa ako nakakapunta ng Bohol, sabi ko gusto ko sa US, akala ko doon ako magse-settle, kasi amazed na amazed ako, pero ngayong nagkaroon na ako ng chance to travel dito sa Philippines, the more ko na-realize na it’s best to stay here.
“Importante po kasi sa akin na titira ako sa isang lugar, importante kasi sa akin ang kapitbahay, ‘yung mga taong nakapaligid sa akin kasi po, siya talaga ‘yung nagde-define ng mood ko,” pahayag ng singer.
Aminadong malaking factor ang mga taong nakapaligid kay Charice simula noong nag-out siya, “Yun din po ang na-feel ko, ang acceptance sa Bohol.
Kahit hindi nila ako kinakausap, nakikita ko sa mata nila na tuwang-tuwa silang nakikita nila ako, walang alinlangan kasi siyempre, maski saan naman ako magpunta, Manila or outside Manila, siyempre, I always experience na ‘yung mga tao ay titingnan ako from head to toe, minsan kaharap na ako may sasabihin pa.
“Sa three days nag-stay ako sa Bohol, wala ni isang bumatikos sa akin, nagsabi sa akin na, ‘Dapat ganito ka pa rin, dapat ganu’n.’ Tell me what to do. Nandoon sila, airport palang talagang sinalubong nila ako, ‘Welcome to Bohol!’ And they just treated na parang I’m from there, ganu’n,” kuwento pa ng singer.
Samantala, may plano ba si Charice ngayong darating na Pasko para sa magulang niya? “Ah, nae-excite ako, pero I know na hindi pa time kasi, siyempre I know my mom and hindi naman mawawala ‘yung role ko as a daughter na I’m still here, pero siguro kaya medyo kalma na rin kasi pareho naming alam na nandidiyan kami sa isa’t isa at alam din namin sa sarili namin na pareho kaming hindi pa ready.
“The more we push it, I don’t wanna hear another rejection, ang sakit po kasi, kung baga once is enough na I heard from her na she says no. Not now,” katwiran ni Charice.
Oo nga naman, mahirap ang hinog sa pilit, di ba bossing Ervin? (Tomooohhhh!!! – Ed)