TILA hindi nagustuhan ng drag queen na si Marina Summers ang paglantad ng kanyang tunay na pangalan sa mga articles na naglalabasan.
Kamakailan kasi ay maraming naglabasang balita matapos nitong i-represent ang Pilipinas sa “Drag Race UK vs the World”.
Bagamat nagpapasalamat si Marina sa mga suportang natatanggap niya mula sa ay nais niyang huwag nang ilabas pa ang kanyang tunay na pangalan.
Ang kanyang pakiusap ay ibinandera ng drag queen sa kanyang X (dating Twitter) account.
“To local publications, writers, authors, journalists in the Philippines, thank you for all the news and features – but PLEASE do not include/call me by my government name in your stories,” saad ni Marina.
Baka Bet Mo: Marina Summers pambato ng Pinas sa ‘Drag Race UK vs the World’
Bandera IG
Pagpapatuloy pa ni Marina, “I DO NOT feel comfortable about it and it WILL NOT, I repeat, it WILL NOT add merit to your articles/write ups/beats.”
Aniya, hindi raw ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente.
Giit pa ni Marina, “ALSO – my pronouns in drag are SHE/HER/HERS. This also goes to all my Filipino fans.
“Maraming Salamat for understanding.”
Si Marina Summers ang nagsilbing runner up sa “Drag Race Philippines” season 1 at ang itinanghal na drag queen superstar ay si Precious Paula Nicole.