Janno balak lumipat ng bahay; Kathryn pinayagan sa lamay ni Ronaldo

Janno balak lumipat ng bahay; Kathryn pinayagan sa lamay ni Ronaldo

SINUNOD ng pamilya ni Janno Gibbs ang habilin ni Ronaldo Valdez tungkol sa kanyang pamamaalam na ipinost niya sa Facebook.

Bago tuluyang mamaalam noong December 17, 2023, nag-post pala ang award-winning veteran actor sa kanyang FB ng tila “last note” para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

“Nag-post ang daddy ko, e, parang minutes before. Nag-post siya sa Facebook, e, ng parang goodbye, ganu’n-ganu’n. ‘No viewing,’ ganu’n.

“Nag-post siya, na nalaman na lang namin after. Kasi, hindi namin nasisilip yung Facebook. Nag-post pala siya ng ganu’n.

“I took it down. Nu’ng nakuha ko yung phone niya, binaba ko na. Kasi, hindi maganda tingnan, e. Di ba? Pero nasulat niya du’n na ‘no viewing.’ So, nirespeto ko yun,” pahayag ni Janno.

Ayon pa sa komedyante, iilan lamang sa mga taga-showbiz na malapit sa kanyang tatay ang nakapunta sa dalawang gabing lamay nito sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium sa Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Janno binabantayan ang mental health, hindi pa pwedeng mapag-isa

 

“Ang mga pinapunta lang namin, yung mga nagtanong, ‘Puwede ba kaming pumunta?’ ‘Sige.’ Pero hindi na namin in-announce na you can visit, ganu’n. Yung mga nagtanong na lang, ‘Puwede ba kaming pumunta?’ ‘Okay,’” sabi pa ni Janno.

Isa raw sa mga nakapunta sa burol ay si Kathryn Bernardo na nakasama ni Ronaldo sa hit series na “2 Good 2 Be True.” Parang maglolo na rin kasi sa tunay na buhay ang dalawa.

“Kathryn was there, one of the firsts sa wake. She was the only one allowed to view. It was just immediate family plus they were really close,” ani Janno.

May nakapagsabi naman sa amin na nagtungi din sa lamay si Daniel Padilla na naging close rin sa beteranong aktor.

Naikuwento rin ng TV host ang plano nilang lumipat ng bahay matapos ang nangyari sa kanyang ama, “Yes, oo. Definitely, definitely. Kasi, iba na. Iba na yung tingin namin du’n sa house, e. Di ba?

“Although separate naman siya, dalawang unit siya, e. It was in the other unit. But still,” aniya pa.

Sa ngayon, hindi pa naililibing ang “cremains” (cremated remains) ni Ronaldo, “Na kay Melissa (Gibbs, kapatid niya at dating singer) ang urn niya.”

Magkakaroon din daw sila ng Celebration of Life para sa pumanaw na ama, “Yes, we’re having a Mass on his 40th day. Mass yan, kami lang, family.

“Personally ako, may balak ako na some…nu’ng ash, ikalat, kasi favorite niya ang Baguio, e. Gusto niyang tumira du’n. Yun ang pangarap niya. ‘Gusto ko talaga, sa Baguio na lang ako. Uuwi na lang ako pag may trabaho,’ ganu’n.

“So, balak kong magkalat ng konti du’n. Anywhere actually. Di ba? Du’n niya gusto, e. Du’n niya gustong tumira,” aniya pa.

Read more...