SUPER na-touch ang actor-director na si Eric Quizon sa ginawa ng adopted sibling nilang si Nicole Quizon.
Legal na in-adopt ng tatay niyang Comedy King na si Dolphy si Nicole at ng long-time partner nitong si Divine Diva Zsa Zsa Padilla.
Kuwento ni Eric, bago pa namaalam ang kanyang tatay, naayos na ang mga legal issues sa pagitan ni Nicole at sa kanilang magkakapatid.
Sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kay Eric, nabanggit nga niyang okay na okay ang naging hatian ng mga naiwang ari-arian ni Mang Dolphy sa 18 anak na naiwan nito.
Baka Bet Mo: Emosyonal na mensahe ni Sharon kay Miguel: I’m grateful, honored and proud to be your mother
At tungkol nga kay Nicole, “This is what happened to us and with regards to my sister Nicole because Nicole was legally adopted tapos lahat kaming magkakapatid illegal kasi wala namang pinakasalan ang Daddy ko eh.
“Kaya lang si Nicole was legally adopted by my Dad and Zsa Zsa,” pahayag ni Eric.
Paliwanag pa ng aktor at direktor, “Before my Dad died, naayos namin siya which is a very touching moment kasi kinaysap namin ‘yung daddy ko at saka ‘yung lawyer.
“Tapos sabi ng daddy ko, ‘Eric kausapin mo si Nicole’, kasi noong time na yun ako na pinapakausap na niya, ‘Pakita mo itong papers sa kanya. Explain mo sa kanya na ang wishes ko sana pantay-pantay.’
“Pinuntahan ko si Nicole sabi ko ‘Nicole this is what Daddy wants.’ Sinasabi sa paper na ito kapag pinirmahan mo to, hindi ka maghahabol when Daddy dies,” pagbabahagi ni Eric.
Dito na-touch ang award-winning actor dahil nga sa naging sagot ng kapatid, “You know what my sister said that’s why I was so touched and I’m really blessed to have a sister like her kasi ‘yung mga kapatid ko naman mababait.
Baka Bet Mo: Eric Quizon sa pakikipagrelasyon: ‘Ang lovelife kapag meron, meron, kapag wala, wala!’
“(Sabi niya) ‘Kuya, I’m so blessed to be part of this family, of course I’m gonna sign it,’ so, pinirmahan niya. So ako talagang natouch ako talaga sa gesture niya,” kuwento pa ng anak ng yumaong King of Comedy.
Naibahagi rin ni Eric na kahit ilang taon nang pumanaw si Mang Pidol patuloy pa rin itong nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak.
“My dad’s been dead for 11 years pero hanggang ngayon nagpo-provide pa rin siya sa amin. Kasi every month naman may nakukuha yung mga kapatid ko,” pahayag pa niya.
Samantala, tuloy na tuloy na raw ang plano ng mga anak ni Dolphy na makapagpatayo ng hotel at museo para sa nag-iisang Comedy King. Itatayo ito sa kanilang lupain sa Calatagan, Batangas.
“Itatayo namin yung parang hotel atsaka parang museum atsaka parang events place ng Daddy ko and we will call it the Dolphy Manor,” sabi pa ni Eric Quizon.