LJ REYES nagsawa na kay PAULO, si RENZ FERNANDEZ ang bagong BF?


Nagkakamabutihan na sina LJ Reyes and Renz Fernandez? First off, tila nagkaroon ng misquotation sa kung sino man ang nag-interview kay Paolo Avelino na balitang umamin na raw sa split up nila ng kaniyang girlfriend na si LJ.

During our set visit sa Prinsesa ng Buhay Ko, the early primetime soap of GMA weeknights before 24 Oras kung saan LJ plays triangle to Kris Bernal and Aljur Abrenica, at least dalawa kaming nag-confirm na may nabasa na nga kami sa interview ni Paolo about their split up. After a little while, LJ confirmed this too but too late.

Paano, pralala lang pala for Paolo’s movie ang supposed interview and connecting to the movie’s title kaya niya sinagot na complicated na ang relasyon nila ni LJ.

Still, matagal na rin namang usapan ito kaya LJ’s confirmation was just affirmation of this. Currently single si LJ and just taking care of her three-year-old son to Paolo na si Aki pero sa set ng kanilang soap, nagbibiruan nang nagkakamabutihan na sila ni Renz, ang anak ni Lorna Tolentino na introducing as Kapuso sa Prinsesa ng Buhay Ko at ka-triangle din nina Aljur and Kris sa story.

Single din si Renz after his last relationship with Maxene Magalona and although he admits na napakaganda nga ni LJ, they are just friends.

May nag-comment lang kasi sa tweet ni LJ na pasasalamat kay Renz for the food he brought her but then sanay naman daw ang cast na nagbibigayan ng pagkain kaya siguro naisip na sila na dahil sa pasalubong na food ni Renz.

Biro ni LJ, isang pasalubong lang, sila agad? Alam n’yo bang may similarity sina LJ and Maxene, na parehong die hard fans ng Hello Kitty? Wala lang, nadagdagdag lang naming para extra kilig.

( Photo credit to Google )

Read more...