BOY may bagong raket sa Amerika, pero secret pa


READY to go na ang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang trip sa Amerika. He’ll be away for at least two weeks. Kasama niya sa trip ang partner na si Bong Quintana.

Open dates daw ang nakalagay sa tiket nila pabalik ng Pilipinas ni Bong para any moment daw ay pwede sila bumalik agad para sa ina ni Kuya Boy na si Nanay Lesing.

Now we know why Kuya Boy needs to leave the country kahit na medyo ‘di pa okey 100% ang kanyang ina. As usual, hindi lang para magbakasyon sa ibang bansa ang pag-alis niya. Si Kuya Boy ata ang celebrity na galit sa pahinga. He-hehehe!

May kinalaman sa pag-usad ng mas malaking opportunity for him ang pagpunta niya sa US. Pero syempre, hindi namin pwede i-reveal as of the moment dahil na rin sa pakiusap ni Kuya Boy.

Maybe later we can write about it with his approval.At least, bago umalis si Kuya Boy naplantsa na niya ang mga programa ng talents ng Backroom na dati niyang hawak na artist management.

Pero kahit wala na nga siya sa Backroom, sini-seek pa rin ang advice at help niya ng mga alaga nito. Gaya na lang ni Amy Perez na balik Kapamilya network.

Si Christine Bersola-Babao na Backroom artist na pumalit kay Amy sa Face The People ng TV5 ang nagkwento na si Kuya Boy rin ang nagkumbinse sa kanya na tanggapin ang show.

“Sobrang gulo, ang daming gulo noon. Alam mo ang pag-aayos para sa akin ng  mga problemang ganyan, eto lang, stay on the side of truth and you will survive  anything, that’s Oprah,” diin ni Kuya Boy.

Knows naman ninyo siguro na Oprah fan si Kuya Boy, ‘di ba” “Inayos ko sila. Pero ang timeline noon, noong inaayos ko ang problema ni Amy at saka nila Tintin sa Face the People, ang problema ni Amy kung saan man siya sa TV5  dati, wala pa ang Singing Bee. “Dumating ang Singing Bee pagkatapos.

Baka kasi sabihin nila inaayos ko ‘yan meron nang offer. Balak ko pa lamang ibenta noon si Amy sa Umagang Kay Ganda,” pahayag niya.

Nag-tape na nga raw si Amy for Singing Bee kasama ang balik Kapamilya rin na si Roderick Paulate, “I am sure happy si Amy sa bago niyang show because it’s a reunion with Kuya Dick.

At napakabait ng Diyos. It’s a two year contract. She’ll be doing Singing Bee, she will be able to do UKG after her drying out period  with TV5 which is after Nov. 30.

“And she will do radio. I’m not supposed to say that. It’s contractual. Saka lang niya gagawin ang Umagang Kay Ganda and her radio program after Nov. 30 because there’s a drying out period of TV5,” lahad pa ni Kuya Boy.

Ibig sabihin ni Kuya Boy ng drying out period, e, hindi pwedeng gumawa o umapir si Amy ng anumang show sa competing network na kapareho ang format ng dati niyang shows sa TV5 after six months na umalis siya sa TV5.

( Photo credit to Google )

Read more...