Iwa Moto naka-recover agad matapos ibandera ang hugot sa buhay

Iwa Moto naka-recover agad matapos ibandera ang hugot sa buhay

PHOTO: Instagram/@iam_iwa

MUKHANG okay na ang pakiramdam ng aktres na si Iwa Moto base sa video post niya sa kanyang Instagram account nitong Linggo.

Mapapanood dito na masaya silang magkakasama ng kanyang partner na si Pampi Lacson at ang mga anak nilang sina Lally at Mimi, si Jodi Sta. Maria at anak nitong si Thirdy Lacson.

Makikita sa video na nasa isang resort sila at ang tugtog ay “Happy” mula sa Pharell Williams covers.

Ang caption ni Iwa ay, “Family is family. Kalma lang kami lagi. Masaya lang dapat.

“We were able to achieve this kind of relationship through LOVE and RESPECT. And siyempre with a lot of guidance from our Lord. Thank you po Lord for giving me my PERFECTLY IMPERFECT FAMILY,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Iwa Moto tinawanan ang mga nagsasabing mas pretty si Jodi sa kanya: Walang competition

Maraming nagulat dahil kamakailan lang sa post ni Iwa ay tila may pinagdaraanan siya pero binura rin niya ito pagkatapos ng ilang oras.

Ang post niya ay, “Should I just keep trying even though I’m dying.

“Should I just smile then cry behind an isle.

“My heart is pounding per beats its aching.

“Tears are falling and there’s no point on stopping.

“Then one day, I stopped believing because you are deceiving.

“Promises are worth nothing if mistakes keep repeating.

“Now, I will stand tall even if I’m heartbroken.

“Because I know now I can be unbroken.”

Tsika naman ng malapit kay Iwa, baka lang hindi maganda ang gising ng aktres ng araw na iyon.

Read more...