Ika-2 pag-aasawa (2) | Bandera

Ika-2 pag-aasawa (2)

Joseph Greenfield - October 29, 2013 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lanie, ng Bonifacio, Misamis Occidental Dear Sir Greenfield, 1.      Ayos naman ang pagsasama namin, kahit na lumalabas na kabit lang ako.  Kahit paano ay tatlong beses akong inuuwian ng aking kinakasama.  Kaya’t hindi halata ng mga kapitbahay.  Hanggang sa hindi na nga niya ako inuuwian at dito na umaandar ang mga dila sa paligid. 2. Hindi ako nasaktan doon, pero nasaktan ako nang wala nang ipinapadalang pera ang kinakasama ko.  Hindi na siya sumasagot sa aking text and call.  Iniwan na kaya niya ako?  Kaya niya ako ibinahay ay mahal daw niya ako.  Hindi na ba niya ako mahal?  Kung sakaling iniwan na niya ako, sa edad kong 35-anyos, may magkagusto pa kaya sa akin?  Huwag na ninyong ilathala ang birthday ko. Umaasa, Lanie, ng Bonifacio, Misamis Occidental Solusyon/Analysis: Astrology: Ang zodiac sin mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing tuluyan ka na ngang iiwanan ng ka live-in mo, subalit sa ikalawang pag-aasawa, isang binata na mas mayaman sa kasalukuyan mong kinakasama ang iyong mapapangasawa na nagtataglay ng zodiac sign na Libra. Numerology: Ang birth date mo ay nagsasabing kapag muli kang nakapag-asawa, mamumuhay ka na ng sagana at maligaya. Ang lalaking ikalawang mapapangasawa mo ay taga-ibang bansa, kung saan, isasama ka nya sa abroad. Luscher Color Test: Kapag muli kang nakapag-asawa at nasa abroad ka na ugaliing gumamit at magsuot ng kulay na dilaw at berde upang tuluy-tuloy na bumuti at gumanda ang iyong kapalaran. Huling payo at paalala: Lanie, ayon sa iyong kapalaran, okey lang na iwanan ka ng kasalukuyan mong kinakasama dahil may asawa na pala siya at sariling pamilya. Ang totoo higit na mas magiging maganda ang iyong tadhana sa inyong paghihiwalay, dahil sa susunod na taon, isang lalaking foreigner na isinilang sa zodiac sign na Libra ang iyong makikilala, magiging kaibigan mo siya, hanggang sa tuluyang mapangasawa at sa sandaling mag-asawa na kayo, isasama ka nya sa ibang bansa, upang sa malayong lugar doon na manirahan at habambuhay na lumigaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending