BAKIT nga ba pinakikialaman ng mga taong walang magawa ang ugnayan ng tanyag na singer na si Freddie Aguilar at ng nobya niyang 16 anyos?
Kung nag-iibigan sila, bakit natin pakikialaman?
May isang kenkoy na abogado na dinemanda pa si Aguilar ng seduction o pakikipagtalik sa isang batang babae na lampas na sa edad na 12 pero wala pang 18 anyos.
Gusto lang siguro ng publicity ni Atorni Alang Kaso.
Nag-iibigan ang dalawang magkasintahan kahit na 44 na taon ang agwat ng kanilang edad: si Freddie ay 60 years old at si babae ay 16.
Isa pa, payag naman ang mga magulang ng babae.
So, paanong naging krimen ang relasyon ni Aguilar sa 16 anyos na babae?
Para nang anak o apo na raw ni Freddie Aguilar ang kanyang kabiyak.
May mga nagpapatawa na nagsasabi na tama lang ang kanta ni Freddie na pinamagatang “Anak.”
Ang “Anak,” na naging hit noong dekada ’70, ay naging tanyag din sa iba’t ibang bansa.
Marami raw mga Hapon na umiiyak kapag naririnig ang kanta sa Japanese version.
Dapat ay amendahan ang batas na nagpapawalang-sala sa isang bata, na may edad na 15 pababa, na nakagawa ng krimen.
Ang Juvenile Justice Law, na ang may akda ay si dating Sen. Kiko Pangilinan, ay masyadong kontrobersyal dahil maraming mga kabataan ngayon ang gumagawa ng krimen dahil protektado sila ng batas ni Pangilinan.
Meron akong alam na 14 anyos na batang lalaki na nanghalay ng isang kahera ng isang restoran matapos holdapin niya ang ng kanyang mga kasamahan ang restoran.
Hindi naparusahan ang katorse anyos na kriminal dahil sa batas ni Pangilinan.
Sa America, na mas sophisticated pa ang mga mamamayan kesa sa atin, hindi nakaliligtas sa batas ang isang batang nakagawa ng krimen.
Si Philip Chism, isang 14 anyos na estudyante, ay nakakulong ngayon habang hinihintay ang kanyang paglilitis, dahil sa pagpatay sa kanyang math teacher na si Colleen Ritzer, 24.
Chism is being held without bail for the murder.
Kung dito sa Pilipinas nangyari ang krimen at si Chism ay Pinoy, malamang hindi makukulong si Chism dahil sa estupidong batas ni Pangilinan.
May isang lugar sa Pilipinas na hindi pinaliligtas ang mga teenager na gumawa ng kahindik-hindik na krimen.
Hindi nga hinuhuli ng pulis ang batang gumawa ng heinous crime, pero patay naman ito sa mga vigilantes.
Isang 14 anyos na batang yagit ang pumatay ng walang kalaban-laban na estudyante, 17, dahil lamang sa cellphone.
Inaagaw ng 14 anyos na bata ang cellphone ng 17 years old, pero hindi ito nagtagumpay.
Dahil di niya nakuha ang cellphone, bumunot ng kutsilyo ang 14 anyos at sinaksak na maraming beses ang 17 anyos na estudyante na pipilay-pilay pa man din.
Patay ang 17 years old.
Pero ilang araw matapos mapatay ng 14 anyos ang 17 years old ay natagpuang patay din ito. Biktima siya ng mga vigilantes.
Gugustuhin ba ng mga awtoridad na isasalvage na lang ang mga teenager na gumawa ng malaking pagkakasala sa halip na ilagay sa piitan?
Kapag di binago ang estupidong batas ni Pangilinan ay magkakaroon ng vendetta killing o pagpatay ng paghihiganti.
Ang mga taong maglalagay ng batas sa kanilang kamay ay mga kamag-anak ng biktima ng mga teenager na gumawa ng krimen.