Alden sa naniniwalang may anak sila ni Maine: Kung doon po sila masaya, eh

Alden sa naniniwalang may anak sila ni Maine: Kung doon po sila masaya, eh

Alden Richards at Maine Mendoza

HINDI na ipagpipilitan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa mga AlDub fans ang katotohanan tungkol sa kanila ni Maine Mendoza.

Kung ano raw ang magpapasaya sa mga loyal at die hard supporters nila ni Maine ay hahayaan na lamang niya dahil hindi na niya kontrolado ang isip at puso ng mga ito.

Isa na nga rito ang hindi mamatay-matay na kuwento na may anak daw sila ng dati niyang ka-loveteam at matagal na silang kasal.


Sa latest vlog ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel na “Toni Talks”, ay napag-usapan nila ni Alden ang tungkol dito dahil nga hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ito sa social media

“Ang daming crazy rumors sa inyo. At saka ‘yung iba naniniwalang totoo ‘yung rumors, ha. Alam mo ‘yung number one, may anak kayo. At kasal kayo. Grabe ‘yun. Ang tagal nag-linger n’on. May narrative talaga,” ang sabi ni Toni kay Alden.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nag-sorry matapos halikan si Alden: Baka kasi mabaho ‘yung hininga ‘ko kaya umayaw siya!

“Mayroon silang sarili nilang storytelling,” pagsang-ayon ng Kapuso superstar.

Inakala ni Alden na darating din ang tamang panahon na mawawala rin ang naturang tsismis, lalo na nu’ng magpakasal na si Maine kay Arjo Atayde.


“Hindi nawala?” ang sundot na tanong ni Toni.

“Nandiyan pa rin. I already said my piece about this. It’s not true, wala pong katotohanan lahat.

“Wala po kaming anak. We never got married. We don’t have a love child.

“But right now po, I’m at that point na, masaya po sila doon, e. Tatanggalin ko pa ba?

“Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na ‘wala nga, wag kayong makulit.’ I’m not that kind of person. I always support happiness of people,” mariing sabi ni Alden.

Ilang ulit nang nagpaliwanag ang aktor tungkol dito pero until now ay may mga naniniwala pa rin sa kuwentong may anak sila ni Maine kahit pa nga matagal nang nabuwag ang AlDub loveteam.

Read more...