Jericho, Kim nagpalitan ng joke sa socmed habang iniintrigang hiwalay na

Jericho, Kim nagpalitan ng joke sa socmed habang iniintrigang hiwalay na

Kim Jones at Jericho Rosales

MAY pa-joke-joke pa ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones habang  pinagpipiyestahan ang umano’y paghihiwalay nila ng mga Marites.

Kumalat ang chikang nag-break na ang celebrity couple matapos ibandera ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang isang blind item tungkol sa isang gwapong aktor at ng kanyang napakagandang misis.

Ang kuwento, inaayos na raw ng mag-asawa ang kanilang annulment, na nagsimula pa noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic. Wala pa rin daw anak ang naghiwalay na couple ngunit nananatili pa rin silang magkaibigan.


Walang binanggit na pangalan si Papa O sa kanyang blind item pero marami ang humula na sina Jericho at Kim daw ang bida sa naturang kuwento.

Pero nito nga lang nagdaang araw, nagpalitan ng mensahe at nagbiruan pa sa Instagram ang celebrity couple habang patuloy na iniintriga ang kanilang married life.

Nito lamang Bagong Taon, January 1, 2024, nag-share si Jericho ng video ng kanilang mga homemade dishes para sa kanilang Media Noche, kabilang na ang pizza at pasta.

Hindi naman nakita sa video kung sinu-sino ang mga kasama niyang nag-celebrate ng New Year. Sey niya sa caption, “The magic number is 2024. Happy first #leftovers day of the year! Big (heart image with hands emoji) folks! Busy pa rin ang lababo.”

Nag-comment naman sa post niya si Kim, “Pizza nights are top tier nights.”

Nito namang nagdaang Pasko, December 25, nag-post si Kim ng ilang pictures sa IG at ipinakita ang kanyang OOTD at ang paglalaro niya ng scrabble.

Biro ni Kim sa kanyang caption, sana raw ay walang mag-away na magkakapamilya dahil lamang sa scrabble.

Komento naman ni Jericho sa post ng kanyang wifey, “Try to fake lose for once, Kim. Your mom is still on the game table wearing tears on her face.”

Hirit ni Kim sa aktor, “@jerichorosalesofficial lol she ruthless who she kidding.”

Sa isa pa niyang IG post nito lamang  December 31, nag-post siya ng mga nangyari sa buhay niya last year. Ang nilagay niyang caption, “2023 was my year of play.”


Ang comment ni Jericho, “Well done, Kimberley and 2023. Well done (clapping hands emojis). Now have fun dancing with 2024.”

Sagot naman ni Kim sa kanya,  “@jerichorosalesofficial the interpretive dance renaissance.”

Maraming netizens ang nagtanong sa mag-asawa kung totoo nga bang hiwalay na sila pero ni isa sa mga ito ay hindi nila sinagot.

Sa isang panayam noon kay Jericho ay natanong na sa kanya ang isyu ng hiwalayan nila ni Kim. Sagot ng aktor, “People are entitled to their own opinion, I’m really not that type of person na I really have to explain myself to anyone.

“What you see is what you get. As long as Iive in peace, in love and respect, yun na ang importante sa akin,” sey pa ng aktor.

Nagpakasal sina Echo at Kim noong May 2014.

Read more...