KRIS natakot, magdadala ng bodyguard sa concert ni ALJUR


Iimbitahan ni Kris Bernal si Carl Guevara sa concert ni Aljur Abrenica para “protection”. Tuloy pa rin ang biruan tungkol sa girian ng mga fans nina Kris and Kylie Padilla sa nalalapit nang second concert ni Aljur this Nov. 7 na “Come and Get Me”. Special guest star si Kris sa nasabing concert together with Vin Abrenica, Julie Anne San Jose and Rochelle Pangilinan samantalang sa audience naman si Kylie in support. Say ni Kylie during our set visit sa kanilang Prinsesa ng Buhay Ko na early primetime ng GMA before 24 Oras, wala rin naman siyang magawa para pigilan ang sagutan dahil mga fans ito at sumuporta lang sila.

Dagdag ni Kris, okay sila ni Kylie, talagang pressured lang sila sa mga fans nila na kani-kaniyang support nga. Biro namin, kung manonood kami ng concert, magdadala kami ng payong at helmet sakaling umulan ng bote at coins habang nagpi-perform na sina Kris at Aljur.

Promise kasi nina Kris and Aljur, kilig segment sila sa concert meaning sing and dance ang loveteam sa show and while this is very good for their fans, it will not be that good for the fans of Aljur and Kylie naman.

Kaya ang plano ni Kris, balak niyang imbitahang manood sa concert ang reported boyfriend niyang si Carl para “maprotektahan” siya sakaling umulan nga ng coins and botelya.

Kaya nga nagpatuloy ang biruan na kapag nangyari na raw ito, baka i-harness silang apat sa ibabaw ng stage para hindi sila masaktan.

Of course this will not happen at all ha, dahil kahit ano ang sabihin, behave naman ang mga fans nila, baka magkakantiwayan lang at the most.

( Photo credit to Google )

Read more...