JENNYLYN kinakawawa lang daw ng mga lalaki, pinalalabas na masamang babae

PARANG pinalalabas sa mga nagsu-surface na chismis na si Jennylyn Mercado ang merong third party sa hiwalayan nila ni Luis Manzano.

Nang hindi mag-click sa public ang chikang si Dennis Trillo ang third wheel sa break up ng dalawa dahil bluntly ay sinabi ng My Husband’s Lover na hindi niya binalikan si Jen ay meron namang lumabas na isyung isang politician naman ang naka-date raw ni Jen, bagay na ikinasama ng loob ng anak ni Vilma Santos.

Nakakaloka dahil parang pinalalabas na ang may kasalanan ay si Jennylyn at parang kay linis-linis ni Luis. Actually, hindi maiiwasang maging nega ang image ni Jen kung hindi siya magsasalita kung bakit sila nagkahiwalay ni Luis.

Parang kawawa lagi siya sa mga nakakarelasyon niya dahil ang dating ay siya ang palaging may diperensiya.

( Photo credit to Google )

Read more...