‘Parasite’ star Lee Sun-kyun pumanaw na sa edad 48

‘Parasite’ star Lee Sun-kyun pumanaw na sa edad 48

Lee Sun-kyun

SA kasagsagan ng Kapaskuhan, isang malungkot na balita ang tumambad matapos mabalitang pumanaw ngayong araw, December 27, ang sikat na Korean actor na si Lee Sun Kyun.

Siya’y nasa edad 48.

Para sa hindi masyadong aware, ang aktor ay kilala sa kanyang pagganap sa Oscar-winning film na “Parasite.”

Base sa Korean media outlet na Tenasia, naglabas ng initial report ang Seoul Seongbuk Police Station kung saan nadiskubre ang katawan ni Sun-kyun sa loob ng kanyang sasakyan habang nakaparada sa Waryong Park.

Baka Bet Mo: #Paalam2023: Pagpupugay sa mga pumanaw na ipinagluksa ng mga Pinoy

Ayon naman sa ulat ng The Korea Times at Korea JoongAng Daily, nakatanggap ng emergency call ang mga awtoridad matapos matagpuan ang tila suicide note ng aktor sa kanyang bahay.

At diyan na nga nila nakita sa isang kotse ang Korean actor bandang 10:30 nang umaga na may charcoal briquette sa passenger seat.

“As he was pronounced dead, he wasn’t taken to hospital,” sey ng official sa The Korea Times.

Bago ang pagkamatay, si Sun-kyun ay under police investigation dahil sa paggamit umano ng ilegal na droga mula pa noong Oktubre.

Baka Bet Mo: Maris Racal sinagip ni Lady Gaga at ng K-pop stars noong kasagsagan ng pandemya

Dahil sa nangyari, may mga ulat na nawalan ng mga proyekto ang aktor dahil sa kanyang drug scandal.

Maliban sa “Parasite,” naging tampok din siya sa ilang K-dramas kabilang na ang “My Mister,” “Coffee Prince,” “Pasta” at “Miss Korea,” pati na rin sa ilang pelikula kagaya ng “All About My Wife” at “A Hard Day.”

* * *

Kung ikaw o may kilala kang nangangailangan ng tulong, mangyaring makipag-ugnayan sa National Center for Mental Health (NCMH).

Ang kanilang mga crisis hotline ay mga sumusunod: 1553 (Luzon-wide landline toll-free), 0917-899-USAP (8727), 0966-351-4518, at 0908-639-2672.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website: https://doh.gov.ph/NCMH-Crisis-Hotline

Bukod sa mga nabanggit, maaari ka ring makipag-ugnayan sa Hopeline PH sa mga sumusunod na numero: 0917-5584673, 0918-8734673, 88044673.

Available ang mga karagdagang na impormasyon sa ngf-mindstrong.org, o kumonekta sa kanilang Facebook account sa Hopeline PH.

Read more...