Princess Revilla namigay ng pamasko sa Cavite; Tambalang Zaijian, Miggy kinakikiligan sa ‘Senior High’

Princess Revilla namigay ng pamasko sa Cavite; Tambalang Zaijian, Miggy kinakikiligan sa 'Senior High'

PHOTOS: Facebook/Princess Revilla; screengrab from YouTube/ABS-CBN Entertainment

BAGO sumapit ang Araw ng Pasko ay naghanda na si Princess Revilla ng pamaskong handog para sa sariling foundation.

Ang mga nakatanggap ng Pamaskong Handog mula sa Princess Revilla Foundation, Inc. ay ang Barangay Bayan Luma, Bacoor Cavite na ginanap noong Disyembre 17 na umabot sa 500 na mga bata at naroon ang mga barangay officials para umalalay din sa gift-giving para maging maayos at hindi magulo.

Nakatanggap ang mga bata ng mga pagkain, mga laruan at nagkaroon ng palaro bagay na lalong ikinasaya ng lahat dahil may mga pa-premyo.

Bukod sa materyal na bagay ang Pamaskong Handog served as a reminder that the true essence of Christmas lies in giving, especially to those who hold the key to our collective future our children.

Baka Bet Mo: Coney Reyes excited na tinanggap ang Pamaskong Handog mula sa Pasig LGU: Ang saya-saya lang!

Samantala, dahil sa magandang adhikain na ito ni Princess ay maraming mga batang natutulungan nito kahit noon pa.

Kaya naman, naisip na rin nitong ituloy ang foundation na nakagisnan niya sa yumaong ina at ngayon ay ipinagpatuloy niya ito kaya nagtayo ng sariling foundation.

Nangako naman si Princess na sa abot ng kanyang makakaya ay tutulong siya sa mga batang nangangailangan dahil naniniwala siya na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.

***

Todo ang pasasalamat nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez, o mas kilala sa love team nilang “TimPoch,” sa mainit na pagtanggap ng viewers sa kanilang tambalan sa Kapamilya teleseryeng “Senior High” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng mga manonood para sa kanilang BL love team, lalo na para sa kissing scene ng kanilang mga karakter na sina Tim (Zaijian) at Poch (Miggy).

“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. Pag magkaka-eksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba pwede. Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” sey ni Zaijan sa isang interview noong “Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’

Nagpasalamat din si Zaijian sa paggabay ng kanilang mga direktor sa serye at labis din siyang natutuwa kapag nakaka-relate ang viewers sa kanyang karakter na naguguluhan pa raw sa tunay nitong sekswalidad.

Ikinuwento naman ni Miggy na patuloy nilang papakiligin at magbabahagi ng mahahalagang aral sa mga manonood.

“Sobrang overwhelming but at the same time ayokong ipasok sa head ko. Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” saad niya.

Naging patok sa netizens ang nakakakilig na mga eksena nina Zaijian at Miggy kamakailan at patuloy nilang pinuri ang “Senior High” sa pagtatalakay ng importanteng mga isyu na ikinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Tutukan ang mga rebelasyon sa “Senior High” gabi-gabi ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Read more...