ILANG celebrities ang ipinagluksa ng sambayanang Filipino ngayong 2023 — ang huli nga ay ang pagkamatay ng premyadong veteran actor na si Ronaldo Valdez.
Ikinagulat ng marami ang pamamaalam ng movie and TV icon na natagpuan sa loob ng kanyang kwarto na may hawak na baril sa isa niyang kamay. Balitang inatake ng matinding depresyon si Ronaldo bago siya tuluyang pumanaw.
Alalahanin at balikan natin ang mga personalidad na sumakabilang-buhay ngayong taon na naging bahagi na rin ng buhay nating mga Pinoy.
LUALHATI BAUTISTA
Writer
Pumanaw noong February 12, 2023 sa edad na 77 ang magaling na manunulat, nobelista at aktibista na si Lualhati Bautista.
Ilan sa mga sikat niyang nobela na isinalin din sa pelikula ay ang “Dekada 70”, “Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?” at “GAPÔ.”
Bukod sa kanyang mga kapamilya, nagbigay-pugay din kay Bautista si dating Vice President Leni Robredo sa pamamagitan ng kanyang social media.
“Isang pagpupugay kay Lualhati Bautista. Maraming salamat, Ma’am, sa pagbabahagi ng sarili, husay, at tapang sa pamamagitan ng inyong buhay at mga akda. Malaking karangalan po na matanggap ang inyong suporta,” ang mensahe ni Robredo.
ANDREI SISON
Actor
March 24, 2023 naman namayapa ang baguhang teen actor na si Andrei Sison dahil sa car accident. Nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career sa pangangalaga ng Sparkle GMA Artist Center nang siya’y mamaalam.
Narito ang buong official statement ng Sparkle ukol sa maagang pagpanaw ni Andrei Sison, “Sparkle GMA Artist Center sadly announces the passing of one of its teen artists Andrei Sison, due to a car accident early this morning.
“Our sincere condolences to the family and loved ones of Andrei. We request everyone to respect his family’s privacy in this time of great loss and join us in praying for the eternal repose of his soul.
“He was a well-loved and much cherished member of the Sparkle family. We will miss you, Andrei. Be with God now.”
ANGELA PEREZ
Actress
Nakilala noon si Angela Perez o Rowena Mora sa tunay na buhay bilang sexy star hanggang sa bigla na lamang siyang nawala sa showbiz. At noon ngang March 29, napabalita ang kanyang pagkamatay matapos ma-stroke. She was 55.
Ang una niyang pelikula ay ang 1983 film na “Laruan” under Falcon Films, kasama si Carmi Martin. Ang ilan pa sa mga nagawa niya ay ang Alexandra,” “Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan,” “Take-home Girls” ay “Hayop sa Sarap.”
Mensahe ng kanyang anak na si Issa Lim, “Ikaw ang pinakamahal ko sa buhay, naging spoiled ako sa yo at ikaw lang nakakaintindi sa akin kapag may mga problema ako at kung bakit wala ako sa mood, at ikaw pa yung nagtatanggol sa akin pag may umaaway sa akin at kinakampihan mo ko lagi.
Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez: Napakasarap kasama ni Kathryn tapos ang galing-galing pa, si Daniel naman para ko na talagang apo
“Pinakamasakit sa akin na mawalan ako ng nanay at nawala pa ang mahal ko sa buhay. Nanginginig ako sa kakaiyak ko at nalulungkot pa rin ako nang sobra hanggang ngayon. I love you so much, Ma,” aniya pa.
BOB SOLER
Actor
Nakilala si Bob Soler bilang magaling na character actor sa Philippine showbiz. Ilan sa mga nagmarkang pelikulang nagawa niya ay ang “Epimaco Velasco: NBI” (1994), “Kadenang Putik” (1960) at “Captain Barbell” (1964). Pumanaw ang aktor noong May 25, 2023.
JOHN REGALA
Actor
Cardiac arrest at kumplikasyon sa kung anu-anong sakit ang ikinamatay ng batikang aktor na si John Regala noong June 3 sa edad na 55.
Kinumpirma ito ng pamangkin niyang si Nene Lour Billones Bendijo, “Kailangan tanggapin, at naawa na rin po sa kalagayan niya dahil hirap na hirap na din po siya.”
Naiwan ni John o John Paul Guido Boucher Scherrer sa tunay na buhay, ang dalawa niyang anak, kung saan ang isa ay sa una niyang asawa at nakabase sa US., at isang inampon niyang 30-anyos na anak na lalaki.
Nakilala si John bilang isa sa mga “bad boy” ng pelikulang Pilipino dahil sa epektibong pagganap bilang kontrabida at action star tulad sa mga pelikulang “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story,” “Askal,” “Zombading: Patayin Sa Shokot Si Remington,” at sa original version ng Kapuso series na “Encantadia.”
PATRICK GUZMAN
Actor
June 15, 2023 nang pumanaw ang dating matinee idol na si Patrick Guzman na matagal nanirahan sa Ontario, Canada. Siya ay 56 years old nang bawian ng buhay dahil sa atake sa puso.
Ang asawa ni Patrick na si Liezle Guzman ang naglabas ng official statement hinggil sa pagkamatay ng aktor, “It is with great sadness that we announce the sudden and unexpected passing of Patrick Guzman on June 15, 2023 in his 56th year.
“Deeply missed by his devoted wife Liezle, and his loving children Aiden, Aerielle, and JAM. Patrick is survived by his mother Jesusa, siblings Theresa (Dave), Beuna, Christine (Scott), and Michael. Predeceased by his father Carlos Guzman (1999).
Nakilala si Patrick ng publiko nang gawin niya ang Swatch TV commercial at mula noon ay nagsunud-sunod na ang kanyang proyekto sa TV at telebisyon. Bumalik at nanirahan siya sa Canada noong early 2000 at bumuo ng sarili niyang pamilya.
NAP GUTIERREZ
TV Host, Sports Columnist
Mula sa pagiging sports columnist and one-time players’ agent (PBA), sumikat din si Napoleon “Nap” Gutierrez sa mundo ng showbiz at sports.
Dahil sa mga kumplikasyon sa kanyang karamdaman ay namatay si Nap noong June 29 sa edad na 62.
Bukod sa pagiging sports writer and editor, naging TV host din si Nap para sa isang weekly noontime show na umere sa RPN-9. Siya rin ang nasa likod ng 5-year P25 million contract ni Alvin Patrimonio sa Purefoods basketball team ng PBA simula noong 1991.
MARIO DUMAUAL
Entertainment Reporter
Binawian ng buhay ang veteran entertainment reporter ng ABS-CBN noong July 5 matapos magkaroon ng komplikasyon kaugnay ng atake sa puso.
“We are devastated to announce the passing of Mario Dumaual — Papa to his wife Cherie and children Luigi, Miguel, Maxine, William, and Thessa; Wowo to his grandchildren Sky, Alonzoe, and Tali; and Yayo to his siblings.
“Mario, who would have turned 65 on July 31, died at 8:01 a.m. on Wednesday, July 5 due to septic shock. He had been battling a severe fungal infection, a complication during his recovery from a heart attack. He was confined for a month at the Philippine Heart Center,” ang bahagi ng official statement ng kanyang pamilya.
RICKY RIVERO
Actor, Director
Ang partner ng aktor at direktor ang nagkumpirma sa kanyang pagpanaw noong July 16 sa pamamagitan ng Facebook. Siya ay 51 years old.
“Good morning po inyong lahat maraming salamat po sa tumulong sa asawa ko na c Ricky ngayon po wala na po c Ricky S. Rivero namayapa na po. Salamat sa walang sawang tulong sa asawa ko,” ang mensahe ng asawa ng aktor.
Unang nakilala si Ricky Rivero sa youth-oriented variety show ni Kuya Germs na “That’s Entertainment” at lumabas din sa mga programa noon ng GMA at ABS-CBN.
Naging unit director din siya para sa mga seryeng “Forevermore” (2014) nina Liza Soberano at Ernique Gil, “Mula Sa Puso” (2011) nina Lauren Young, JM De Guzman at Enrique Gil, at “Kokey” (2007).
Ang pinakahuling proyekto niya bilang direktor ay horror-comedy na”D’ Aswang Slayerz” starring Mel Martinez.
WILLIE NEPOMUCENO
Comedian
Nag-sign off ang veteran comedian at kilalang impersonator ng iba’t ibang personalidad noong July 26 sa edad na 75.
“It is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, Willie Nepomuceno, on July 26, 2023, at the age of 75. He has peacefully joined our creator,” ang bahagi ng official statement ng pamilya ni Willie Nep.
Nakilala si Willie Nep sa panggagaya sa mga kilalang artista at mga personalidad mula sa mundo ng politika kabilang na riyan sina former President Ferdinand Marcos, Sr., Fidel Ramos, Joseph Estrada at Noynoy Aquino.
Bentang-benta rin sa mga manonood ang pag-impersonate niya kay Comedy King Dolphy, Fernando Poe, Jr., Jaime Cardinal Sin, former Manila Mayor Alfredo Lim at marami pang iba.
JM CANLAS
Actor, Singer
Isang film at voice actor si JM, ang nakababatang kapatid nina Elijah at Jerom Canlas. Pumanaw siya sa edad 17 noong August 3.
“It is with the heaviest heart and deep sorrow that our family announces the death of our bunso, Jamile Matthew Madiclum Canlas, earlier this morning. He was 17.
“Jm, as he was known to many, was a talented actor, athlete, musician, singer, debater, and gamer. He was always a proud Filipino with a bias and compassion for the poor and oppressed. But most of all, JM will forever be remembered as an incredible young man, son, brother, grandson, nephew, cousin, student, and friend,” ang pahayag ni Jerom.
“Let us celebrate his short but wonderful life, as he would want us to,” sabi ni Jerom.
Hindi binanggit ang sanhi ng pagkamatay ni JM, ngunit sinabi ni Jerom na dumaan ang kanyang kapatid sa pagsubok sa mental health nito, “In his adolescence, JM struggled with his mental health. If you are experiencing current distress and are in need of URGENT ATTENTION, please proceed to the emergency room of the hospital nearest you.”
Baka Bet Mo: Kathryn may pa-tribute kay Ronaldo Valdez: ‘You are the lolo I never had’
ROBERT AREVALO
Actor
August 10, 2023 nang pumanaw ang veteran actor na si Robert Arevalo, o Robert Francisco Ylagan sa tunay na buhay.
Ang anak niyang si Anna Ylagan ang nagbalita sa pagpanaw ng aktor, “Today is the day that the Lord has chosen to take our dearest Papa home. Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, has peacefully passed away at 10:17am this morning, Aug. 10, 2023.”
“Praise God for His mercy and grace. We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for. Thank you for loving us the way you did, Pa.”
“Although our hearts are broken, we are comforted by God’s promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite,” aniya.
Matatandaang noong 2013 ay napanood si Robert sa epic drama fantasy series ng GMA na “Indio” na sinundan pa ng primetime series ng GMA na “Ang Dalawang Mrs. Real” noong 2014.
MIKE ENRIQUEZ
Newscaster
Buong sambayanang Filipino ang nagluksa sa pagyao ng premyadong broadcast journalist at news anchor na si Mike Enriquez. Siya ay 71.
Si Mike ang isa sa mga anchor ng GMA’s flagship newscast na “24 Oras,” at host ng long-running GMA Public Affairs program na “Imbestigador.” Nagsilbi siyang presidente ng RGMA Network, Inc. at GMA Network’s Senior Vice President at Consultant for Radio Operations.
“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel ‘Mike’ C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023.
“He joined the broadcast industry in 1969 and then became part of GMA Network in 1995, wholeheartedly serving the Filipino audience for 54 years,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng GMA.
JAYMEE JOAQUIN
Actress, TV Host
Idineklarang cancer-free si Jaymee taong 2018 ngunit hindi nagtagal ay nalaman ng mga doktor na bumalik ang kanyang sakit hanggang sa tuluyan na ngang mamaalam noong October 18 sa edad na 44. Ilang taon din siyang nakipaglaban sa breast cancer.
Kinumpirma ng kanyang pamilya at ng best friend niyang si Fides VA ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng Facebook, “It is with a heavy heart that our family announces the passing of my cousin, Jaymee Topacio aka Jaymee Wins or Jaymee Joaquin.
“She lived an extraordinary life filled with adventure, laughter, and love. She inspired and touched a lot of lives through her advocacy and talent. She will be greatly missed and will always be in our loving memory as a strong woman. A life so beautifully lived deserves to be beautifully remembered.”
Bukod sa pag-aartista at pagmo-model, nakilala rin si Jaymee bilang host ng midnight game show ng ABS-CBN na “Games Uplate Live” na napanood mula 2006 hanggang 2009.
Napanood din siya sa ilang Kapamilya TV show tulad ng “Ligaw na Bulaklak,” “Bora” at sa isang episode ng “Shake, Rattle and Roll 9” ng Regal Entertainment.
JOEY PARAS
Comedian
Pumanaw ang magaling na komedyante noong October 29 sa edad na 45. Kasabay ng pag-announce ng kanyang pamilya sa malungkot na balita ay ang paghingi nila ng tulong pinansiyal.
“To all of our family and friends, we are saddened to announce that our Tito Joey Paras, passed away and joined our Creator this afternoon, October 29, 2023 at 5:40pm. Unfortunately his heart wasn’t able to recover anymore.
“Currently, his remains is still at the hospital’s morgue. We need to settle his hospital bills for us to take him home. Our family is knocking at your kind and generous heart to help us raise a fund to cover his hospital bills.”
Matatandaan na noong July, 2018 ay sumailalim si Joey sa heart surgery at tinamaan din ng COVID-19 noong 2020 at na-confine sa ospital.
Ilan sa mga proyektong nagawa ni Joey ay ang 2013 movie niyang “Bekikang: Ang Nanay Kong Beki”, “Sisterakas” (2012), “Momzillas” (2013), “Born Beautiful” (2019), at “Ayuda Babes” (2021). Nakasama rin siya sa mga seryeng “Dahil May Isang Ikaw” (2009), “Kahit Puso’y Masugatan” (2012), at “FlordeLiza” (2015).
JOGRAD DE LA TORRE
Singer-Comedian
Ang anak ng singer-comedian na si Abba ang nag-announce sa publiko ng kanyang pagyao nang dahil sa iniinda nitong karamdaman.
“Good evening po, this is Abba the daughter of Jograd Dela Torre. Sa lahat po ng nagtatanong sa kung anong nangyare kay daddy, nagkaron po sya ng acute hepatic failure, chronic liver disease, alcoholic liver disease, and pumalo po ng 500 ang sugar ni daddy,” ang nakasaad sa kanyang Facebook post.
Kabilang sa mga naging proyekto ni Jograd ay ang “Okleng Tokleng” (1986) at “Cubao Kid: Until the Last Bullet” (2017). Naging co-host din siya nina Nora Aunor at German Moreno sa musical variety show na “Superstar.”
RONALDO VALDEZ
Actor
Ikinagulantang ng lahat ang biglang pagkamatay ng isa sa well-loved veteran actor sa mundo ng showbiz. Siya ay 77 years old.
December 17 nang sumakabilang-buhay si Ronaldo na kilala rin ngayon sa tawag na “Lolo Sir” dahil sa tagumpay ng Kapamilya series na “2 Good 2 Be True” kung saan nakasama niya sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Ang Quezon City Police District (QCPD) ang nagkumpirma sa pagkamatay ng beteranong aktor na patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy sa tunay na dahilan ng kanyang pagpanaw matapos madiskubre na may tama ng bala sa ulo ang aktor at may hawak na baril sa isang kamay.
Ilan sa mga proyektong ginawa ni Ronaldo na tumatak sa sambayanang Filipino ay ang mga pelikulang “Cedie”, “The Flor Contemplacion Story”, “Seven Sundays” at marami pang iba.
Napanood din siya sa mga teleseryeng “Mula Sa Puso”, “FPJ’s Ang Probinsyano,” at “I Love Betty La Fea”.