Sulat mula kay Lanie, ng Bonifacio, Misamis Occidental
Dear Sir Greenfield,
Ayos naman ang pagsasama namin, kahit na lumalabas na kabit lang ako. Kahit paano ay tatlong beses akong inuuwian ng aking kinakasama. Kaya’t hindi halata ng mga kapitbahay. Hanggang sa hindi na nga niya ako inuuwian at dito na umaandar ang mga dila sa paligid. Hindi ako nasaktan doon, pero nasaktan ako nang wala nang ipinapadalang pera ang kinakasama ko. Hindi na siya sumasagot sa aking text and call. Iniwan na kaya niya ako? Kaya niya ako ibinahay ay mahal daw niya ako. H
Umaasa,
Lanie, ng Bonifacio, Misamis Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang nauna ay nabiyak (arrow 1.) habang malinaw at mahaba naman ang ikalawa (arrow 2.). Tanda na sa ikalawang pag-aasawa, makatatagpo ka na ng panghabambuhay na ligaya.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Jack of Diamonds, at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung may kaya sa buhay o mayaman ang una mong nakasama na may pamilya na, higit na mas mayaman ang isang binata na susunod mong mapapangasawa.
Itutuloy….
Ika-2 pag-aasawa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...