I-text kay Madam Sophia

Mula kay Paisal Hasad ng Kidapawan. August 17, 1982 ang birthday ko. Kailan kaya ako makakahanap ng trababo?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong August 17, 1982 sa taong 2013 hanggang 2014 sa edad mong 31 pataas makakatagpo ka na ng isang regular at magandang trabaho na may kaugnayan sa modernong kumunikasyon at lipunan.

Mula kay Jasmin ng …1291, Pasay City. September 7, 1991 ang birthday ko. Ka-compatible ko po ba ang boyfriend ko na isinilang nuong October 13, 1990 at kami na po ba ang magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 7, 1991 at October 13, 1990 naman ang boyfriend mo, sigurado ang tugon – compatible kayo at kayo na nga ang magkakatuluyan.

Mula kay Ms. Pisces ng …4427, Cotabato. February 26, 1987 ang birthday ko. Teacher po ako. Tanong ko lang po kung kailan darating ang malaking suwerte ko sa career. Nag aaplay po ako sa ngayon sa government school?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 26, 1987 sa taon ding ito ng 2013 hanggang 2014 sa edad mong 26 pataas, darating na ang malaki mong suwerte sa larangan ng career – matatanggap ka sa posisyong hinahangad mo sa ating pamahalaan.

Read more...