DJ MO siguradong ‘bugbog sarado’ kay ERVIC VIJANDRE dahil sa kadaldalan


Katuwa lang ng mga kababayan natin kay Ervic Vijandre! Hindi palaaway ang hunk actor, tahimik lang ito, pero dumarating talaga sa buhay ng bawat tao ang pagkapuno.

At ang pumuno sa kanya, ang taratitat na deejay-TV host na wala nang matagal sa Pilipinas pero gumagalaw pa rin ang mga galamay ng mga kamay para manglait ng kanyang kapwa, ang bansuting si DJ Mo Twister.

Ewan nga ba kung saan humuhugot ng kayabangan ang bansuterong lalaking ito na kung makapamintas ng mga artista ay ganu’n na lang.

Napakalayo na nga niya, pero kung bakit nakikisahog pa rin sa mga usaping-showbiz dito sa atin, wala siyang ginagawa kundi ang birahin nang birahin ang mga personalidad na wala namang ginagawang masama sa kanya.

Nainis si Ervic Vijandre kay tsismosong bansot nang birahin niya ang kinatawan natin sa Miss Universe na si Ariella Arida, sa halip na magbigay ng suporta sa ating kababayan ay hinanapan pa niya ito ng kung ano-anong butas at kapintasan, umangat si Ervic na napapabalitang nanliligaw sa dalaga.

Paminsan-minsan ay dapat lang may nakakatapat ang bansuting si Mo Twister, maganda ang ganyan, para naman natitikman din niya ang hagupit ng matalas na dila ng ibang tao para magising siya sa katotohanan na hindi na wasto ang mga ginagawa niyang pamimintas-paninira sa mga taong hindi niya naman kilala nang personal.

Si Ervic Vijandre ang itinuturing na kalaban ngayon ni Mo Twister, ganu’n na lang kung pintas-pintasan niya ang napuno at hindi naman palaaway na hunk actor, magaling lang naman sa talikurang pagbanat ang bansot na deejay-TV host na matagal nang nagtatago sa Amerika.

Sige nga, umuwi nga siya rito at saka niya ganyanin ang mga inuupakan niya ngayon sa Twitter, kung talagang matapang siya? Kundi pa namin alam na bahag na bahag ang buntot niyang umuwi dahil napakaraming kasong nag-aabang sa kanya dito sa Pilipinas.

Isang pitik lang ni Ervic Vijandre ay pupulutin na sa kangkungan ang damuhong bansuterong si DJ Mo Twister na hanggang ngayo’y hindi pa rin matanggap ang katotohanang iniwan siya ng pinakamamahal kuno niyang si Rhian Ramos.

( Photo credit to Google )

Read more...