Buhay at musika ni Bob Marley ipagdiriwang sa pamamagitan ng pelikula

Buhay at musika ni Bob Marley ipagdiriwang sa pamamagitan ng pelikula

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

MATUTUKLASAN na ang powerful story ng legendary singer na si Bob Marley sa susunod na taon.

Ito ay sa pamamagitan ng pelikula na pinamagatang “Bob Marley: One Love.”

Ayon sa inilabas na pahayag ng Paramount Pictures, ang biopic film ang magsisilbing selebrasyon sa iniwang alaala at musika ng iconic musician na nagsilbing inspirasyon sa maraming tao pagdating sa “love” at “unity.”

“On the big screen for the first time, discover Bob’s powerful story of overcoming adversity and the journey behind his revolutionary music,” saad sa isang press release.

Ang British actor na si Kingsley Ben-Adir ang bibida bilang si Bob Marley at ang British actress na si Lashana Lynch ang gaganap bilang misis ng musician na si Rita.

Baka Bet Mo: Pelikulang ‘Godzilla vs. Kong’ may follow-up film sa taong 2024

Ang nag-produce ng pelikula ay in partnership kasama ang pamilyang Marley.

Tampok din sa pelikula sina James Norton, Tosin Cole, Umi Myers, Anthony Welsh, Nia Ashi, Aston Barrett Jr., Anna-Sharé Blake, Gawaine “J-Summa” Campbell, Naomi Cowan, Alexx A-Game, Michael Gandolfini, Quan-Dajai Henriques, David Kerr, Hector Roots Lewis, Abijah “Naki Wailer” Livingston, Nadine Marshall, Sheldon Shepherd, Andrae Simpson, at Stefan A.D Wade.

Para sa kaalaman ng marami, karamihan sa mga kanta ni Bob Marley ay mga tungkol sa social justice, human rights, peace, unity at love.

Ilan lamang sa mga hit songs niya ay ang “One Love,” “No Woman No Cry,” “Redemption Song,” “Three Little Birds,” “Buffalo Soldier,” “Is This Love,” at marami pang iba.

Ang “Bob Marley: One Love” ay ipapalabas sa mga lokal na sinehan sa February 21, 2024.

Read more...