SUPER proud at masayang-masaya ang actress-vlogger na si Kristel Fulgar sa nakuha niyang parangal sa South Korea.
Sa kauna-unahang pagkakataon, binigyan siya ng “2023 Global Influencer Award.”
Sa isang Instagram post, ibinandera ni Kristel ang ilang pictures at videos ng masayang moment.
“My first Korean Award. My first Daesang Award in Korea,” caption niya sa post.
“Honored to be selected as an [awardee]. Thank you,” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Kristel Fulgar ‘nagbago’ matapos manirahan sa South Korea: ‘It helped me to be the better version of myself’
Nakuha ng aktres ang Daesang award, ang pinakamataas na karangalan in any Korean awards show.
‘Yan ay dahil sa kanyang “KrisTells Vlogs” sa kanyang YouTube channel na kinilala ng award-giving body bilang “most innovative and influential creator” para sa buwan ng Disyembre.
Marami naman ang nagkomento sa kanyang IG post na nagpaabot ng “congratulatory” message para sa kanya.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“You should be recognized and be awarded too dapat sa Pinas…motherland should acknowledge your accomplishments.”
“Congratulations Tel!!!! Dasurv! [red heart emoji]”
“THIS is a Slap to the director who replaced you as a host! you deserved it! Congrats [red heart emoji]”
“Wow! I’m so proud as a Fan. Simula nung nag vlogs ka, never miss your upload videos in your youtube channel. Congratulations!”
Para sa mga hindi masyadong aware, si Kristel ang isa sa kilalang K-Pop and Korean culture enthusiast.
Noong November 2022 nang pumirma siya sa ilalim ng Korean entertainment agency na Five Stones Entertainment.
Makaraan ang isang buwan ay ibinandera niya ang first-ever TV guesting sa show na under ng Korean media company na “Korea New Network (KNN).”