Okay sina Aljur Abrenica and Kylie Padilla. Aliw lang ang reaction ni Aljur sa balitang baka magsabong ang mga fans nina Kylie and Kris Bernal sa kaniyang second concert na “Come and Get Me” sa Music Museum this Nov. 7 as produced by MJM Production and GMA.
With guest stars Kris na partner niya sa Prinsesa ng Buhay Ko, brother Vin Abrenica, singer Julie Anne San Jose and dancer Rochelle Pangilinan, sure na nasa audience lang ang kaniyang girlfriend of three years na si Kylie and hopefully raw, maging tame sana ang mga fans sa concert lalo na kapag number na nila ni Kris.
Ngayon, uso ang hiwalayan sa showbiz the three back to back relationships that recently ended being Jennylyn Mercado and Luis Manzano, Ara Mina’s sister and Derek Ramsay and Angel Locsin and Phil Younghusband. During the heat of these separation news, nabilang sina Aljur and Kylie na nag-break na rin daw and to think na katatapos lang ng issue tungkol sa reconciliation nila.
Mabuti na lang nag-set visit kami sa early primetime soap nila ni Kris weeknights before 24 Oras para makakuha kami ng straight news from Aljur.
Una, okay sila ni Kylie at hindi sila split. Hindi rin sila nag-break up recently at nagkabalikan lang dahil matagal-tagal na rin ang last break up and make up nila kung saan umamin si Aljur na hinarana si Kylie para bumalik sa kaniya.
Dito paniwala kami na okay sila kahit may pagdududa ang iba naming kasamahan sa showbiz. Napakadali kasing malaman kung may problema ang relasyon nina Aljur and Kylie, just check Kylie’s tweet.
Kapag nagi-emote ang dalagang anak ni Robin Padilla, asahan mong may problema. Pag tahimik, okay sila. Matagal nang tahimik si Kylie sa Twitter so there.
( Photo credit to Google )