Mark Anthony nagtampo kay Jomari: ‘Medyo malalim, hindi kami nag-uusap’

Mark Anthony nagtampo kay Jomari: 'Medyo malalim, hindi kami nag-uusap'

Mark Anthony Fernandez at Jomari Yllana

SUWERTE rin ang 2023 para kay Mark Anthony Fernandez dahil sa dami ng mga nagawa niyang projects, lalo na sa Viva Entertainment.

Bago magpaalam ang taon, may ilan pang pelikula si Mark Anthony na ipalalabas sa streaming app na Vivamax at sa mga sinehan ngayong December.

Kabilang na riyan ang sexy suspense-thriller na “Ganti-Ganti” na napapanood na ngayon sa Vivamax, at ang dramedy (drama-comedy) na “Para Kang Papa Mo” na showing na nationwide sa December 13.

Sa nakaraang presscon ng “Para Kang Papa Mo” ay kinumusta si Mark dahil matagal-tagal din siyang hindi na-interview nang face to face, “Okay naman, steady lang.


“I’m happy and busy with my work. Sunod-sunod ang projects ko sa Viva and I’m thankful to Boss Vic del Rosario dahil hindi ako nababakante nang matagal,” aniya.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, “Wala. Wala akong lovelife. Yung last one, nauwi sa hiwalayan.

Baka Bet Mo: Pooh, Anton Diva 20 years nang mag-BFF; gamit na gamit sina Ogie at Regine

“Maraming dahilan, e (kung bakit hindi nag-work ang mga relasyon), but ang feeling ko, kailangang blessed talaga muna ni Lord ang isang relationship para mag-work. Kailangan, isentro nyo si Lord at kapag na-bless kayo, go!” sabi pa ng aktor.

Kasama rin ni Mark sa “Para Kang Papa Mo” ang mga kasabayan niya sa showbiz at mga kapwa miyembro rin ng grupong Gwapings sina Eric Fructuoso at Jao Mapa, mula sa direksyon ni Darryl Yap.

Sa mga nagtatanong kung bakit wala ang isa pang Gwapings member na si Jomari Yllana, inamin ni Mark na may pinanggagalingan ito.

Totoo raw na gusto sana ni Direk Darryl na makasama rin si Jomari sa bago niyang pelikula. Rebelasyon ni Mark, “Yes, it’s true, pero tapos na, naayos na. Nagkatampuhan lang naman kami, about four or five years ago.

“Ako ang nagtampo, medyo malalim, hindi kami nag-uusap, pero okay na. He called me up on the phone at nagkausap kami. Sinabi ko yung side ko, so naplantsa naman. Okay na. We can work together,” pahayag pa ni Mark sa panayam ni Tito Mario Bautista.

Samantala, nagbabalik sa big screen ang box-office director na si Darryl Yap para sa kanyang 15th film, ang “Para Kang Papa Mo.”

Ito ay isang light-hearted, fun comedy-drama tungkol sa matibay na samahan at relasyon ng isang tatay at anak, at kung ano ang mga kaya nating isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.

Baka Bet Mo: Alden waging Outstanding Male Recording Artist of the Year; Myrtle ‘drop dead gorgeous’

Ang mga 90s matinee idols at heartthrobs na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jao Mapa ay gaganap bilang sina Anton, Ric, and Jose, trio ng magkakaibigan na may matibay na samahan at nagiging takbuhan ang isa’t isa lalo na sa oras ng pangangailangan.

Bawat isa sa kanila ay may anak, at tulad nila ay naging magkakaibigan din ang mga ito — sina Harry, Kobe, at Eminem, gagampanan naman ito ng ilan sa mga hunk actors ngayong henerasyon, ang Hashtag members na sina Nikko Natividad, Kid Yambao, at Zeus Collins.


Matapos makalaya mula sa matagal na pagkakakulong, plano ni Anton na ayusin at baguhin ang buhay niya, babawi rin siya sa mga oras na hindi niya nakasama si Harry, ang napakatalino at proudly gay son ni Anton.

Buong puso na tinatanggap at sinusuportahan ni Anton si Harry sa mga gusto at desisyon nito sa buhay. Bilang mapagmahal na ama, gusto rin ni Anton na may magandang kinabukasan si Harry, kaya naman gagawin niya ang lahat para makapagbigay at mapaaral ang anak.

Matapos ang sakripisyo ni Anton para sa anak ay may darating namang masamang balita na gugunaw sa kanilang mundo. Masolusyunan din kaya ito ni Anton? Kayanin pa kaya ng puso at isip niya ang mga problema? O kailangan ba ulit niyang isakripisyo ang sarili niya?

Produced by Viva Films, mapapanood rin sa pelikula sina Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Billy Jake, Zeus Collins, Kid Yambao, Lowell Pip, at Gerard Acao.

“Para Kang Papa Mo” will be shown in theaters starting December 13.

Read more...