Kahit maghubo’t hubad sa harapan niya…ALEX GONZAGA di papatusin ni ROBI

MARAMING rebelasyon ang pinakawalan ng host ng I Dare You na si Robi Domingo. Sa tsikahan namin kamakailan, inamin niya walang kakurap-kurap na virgin pa rin siya sa edad niya ngayon na 24.

Very casual lang naman ang naging topic ng usapan hanggang sa mapunta nga sa pagbanggit niya na wala pa siyang experience sa sex ng walang halong malisya, huh!

Maayos kasing pinalaki ng doctor at God-fearing parents si Robi, e. Kaya naman super nakinig at sinusunod ni Robi ang payo ng kanyang magulang especially his father tungkol sa birds and the bees.

Kahit na nga may girlfriend na si Robi, ang volleyball player na si Gretchen Ho, super pini-preserve nila ang kanilang relasyon from pre-marital sex.

For that alone, nakakabilib sina Gretchen at Robi. Pero bukod diyan, dapat talaga silang maging good example ng youth before entering into a relationship, e, nagtapos muna sila ng kurso nila sa kolehiyo.

At ngayon, malayo pa raw sa isip nila ang magpakasal. Gusto pa rin kasi ni Robi na i-pursue ang studies niya sa medicine. Decided na siya na magpakadalubhasa bilang ophthalmologist.

Sa showbiz naman, bilang host he look up to raw kay Ryan Seacrest at sa Voice of America host na si Carson Daly.
“Kasi they have really dominated the scene, e. May TV (show) sila, may internet at may radio.

Producer pa si Ryan. ‘Yun din ang gusto kong marating na, hindi naman, not yet in terms of producing. Pero feeling ko gusto kong mag-radio kasi pang-training lang ba? Kasi sa radio hindi mo kailangan mag-make faces.

Hindi ka dala  ng mukha mo. Boses lang at kung ano ang mga sasabihin mo,” pahayag ni Robi. Pati masa nga naman ay makikilala siya. Dahil diyan, pwede pa siyang maging politico tulad ng iba niyang relatives.

“Pero hindi po talaga ako tatakbo or papasok sa politika. Kapag naririnig ko ang politics. Nowadays medyo hindi na. But before during ano, ‘yung last term, kay Pres. Gloria Arroyo, talagang ramdam mo, e.

Ramdam mo ‘yung hirap ng Pinoy, e,” ngiti niya. May nag-suggest na manunulat na subukan pa rin niya baka siya ang makapag-alis ng pork barrel ng mga politico, “Ay, hindi po.

Galit ako sa sistema ng pork barrel. Pero pakiramdam ko hindi ako ‘yung tamang tao na nandoon para alisin ‘yun or alam mo ‘yun?”

What if ma-meet niya ang anak ni Janet Napoles na modelo sa US, ano ang sasabhin niya rito? “Maganda nga (siya) pero hindi naman maganda kung saan galing ‘yung salapi niya.

Actually, hindi ko pwedeng sisihin ‘yung anak ni Janet Napoles sa mga nangyayari. Pero as ano, hindi lang as her daughter, but as a human being dapat, ‘yung daughter niya mag-step-up at sabihin sa kanya na mali talaga  ang ginawa ng nanay niya.

I dare her gawin niyang liquid lahat ng finds niya and I dare her to give back the money,” birong seryoso ni Robi. Biniro rin si Robin kung keri ba niyang ligawan si Alex Gonzaga kahit may Gretchen Ho na siya.

“Si Alex I would have to say that she’ll have a special place in my heart na as a friend, na as a really, really funny na friend. Pero hindi siya ‘yung tipo na liligawan ko talaga.

Kasi ano, e, may mga tao na magiging okey ang loob mo pero hanggang doon lang.” Paano kung i-dare siya ni Alex at magpaseksi sa harap niya?

“Walang malice talaga. Kasi kapag naghubad siya tatawa pa nga ako, e. At sasabihin sa kanya, ‘Ano’ng ginagawa mo Pards?’ ‘I dare you, you’re the biggest loser!’ Gaganoon pa ako,” natatawang sabi ni Robi.

Hindi rin keri ni Robi ang tumanggap ng gay role as of now, “Ay, hindi po. Kahit na ako pa ‘yung lalaki. Hindi ko po kaya. ‘Yung posisyon ko po ngayon, gusto kong magkaroon ng credibility at saka authority.

Katunayan may binibigay ang Star Cinema sa akin ngayon na movie. Pokwang po bida, ‘yun po ‘Call Center’ bading daw. Sabi ko, nagbi-build pa lang ako ng credibility ko, e,” kwento niya.

Dito natanong si Robi kung homophobic siya, “Before, I was. Kasi noong grade school po ako bago pa lang ang 3210 ko, ninakawan ako. Tapos tinawagan ko  ‘yung cellphone ko, ‘Pwede ibalik mo na ang telepono ko.’ E, ‘di ba kapag grade school ka wala ka naming pera.

At saka ‘yung 3210 sobrang big deal na ‘yun. “E, tinakot ako. Minura-mura ako, nagsalita ng bakla, tapos tinanggal na ang sim sa cellphone ko. Nagti-trining ako for baseball noon, tapos ayun, ninakaw lang.

Dumaan lang ‘yung gay.”  High school na raw siya noong mawala ang phobia niya sa gay.  “Block section po kami noon. E, halos kalahati ata ng section namin, hindi naman bading, malalambot.

Tapos nalaman ko ‘yung side ng story nila. ‘Yung iba walang mga tatay. ‘Yung iba walang kapatid, na-emphatize ako sa kanila, ‘Ay, ganyan pala ‘yun.’ Naintindihan ko sila,” sweet na sabi ni Robi.

( Photo credit to Google )

Read more...