Fast food crew nag-resign matapos mag-viral sa pagbabahay-bahay

Fast food crew nag-resign matapos mag-viral sa pagbabahay-bahay

TULUYAN nang nag-resign ang fast food crew member ng isang sikat na kainan matapos mag-viral ang video nitong naghahanap ng customers sa labas ng kanilang branch dahil mahina ang kanilang sales.

Matatandaang gumawa ng ingay sa social media ang naturang video dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa manggagawa na pinagbahay-bahay para lang maabot nila ang kanilang quota.

Ayon sa fast food crew member na si Shella, ini-require raw sa kanila ang pagbebenta sa labas dahil matumal ang kanilang benta. Ngunit hindi naman sagot ng kumpanya ang pamasahe at maski pa-tubig para sa empleyado gayong ito ang personal na naghahatid ng pagkain sa mga costumer. Galing pa sa sarili niyang bulsa ang mga ginagastos nito.

Agad naman nagpaabot ang mga netizens ng kanilang tulong pinansyal sa dalaga at mga nagbabalak na mag-alok ng bagong trabaho na mas maayos ang magiging pagtrato sa kanya.

Bukod pa rito, kinalampag rin nila ang ChowKing na siyang kumpanya ng fast food crew member ukol sa ginagawa sa kanilang mga empleyado.

Baka Bet Mo: Ivana Alawi nadamay sa viral ‘kilikili’ ni Jillian Ward, anyare!?

Naglabas naman ng official statement ang naturang fastfood chain ukol sa pangyayari.

“The Chowking Management has received feedback from a concerned customer regarding an activity conducted by one of our stores in Davao pertaining to outside-of-store order taking.

“We assure our customers and the public that we are treating this matter seriously. As such, we have asked the store to place the said activity on hold while the guidelines to ensure compliance with our standards are undergoing review. Further, the concerned team member continues to be a valued member of the store.

“At” Chowking, upholding ethical standards in conducting business is a core commitment, and the safety and well-being of our team members remain our top priority.

“Thank you for your understanding and continued support.”

Isang blogger (@PinoyAkoBlog) nga ang nagkaroon ng tsansa na makausap siya at mahingi ang kanyang GCash para makapgbigay ng tulong pinansyal.

FAST FOOD CREW NAGDESISYONG MAG-RESIGN

Ngunit sa latest update na ibinahago niya ay sinabi ni Shella na nagdesisyon na siyang mag-resign sa trabaho.

Sa screenshot na ibinahagi ng X user na si @PinoyAkoBlog, ginawa niya ang pagre-resign para humanap pa ng ibang oportunidad.

“I resigned Po, not because I’m guilty no it’s my decision and my family to resign the company, to move another opportunity,” lahad ni Shella.

Nagpasalamat naman siya sa natanggap niya tulong.

“Wla namn pong problema , malaking tulong Po Yun , Salamat Po talaga Ng sobra, napakabait nyo sakin,” sabi ni Shella.

Aprub naman sa ibang netizens ang naging desisyon niya na mag-resign dahil may chance na pag-initan siya ng mga kasamahan dahil sa pagkaka-viral nito.

Hiling naman ng iba na sana’y hindi makaapekto sa paghahanap ni Shella ng bagong trabaho ang kanyang pagkaka-viral.

Narito ang ilang mga komento ng madlang netizens.

Read more...