2 best actress, 2 best film sa 6th The EDDYS ng SPEEd

2 best actress, 2 best film sa 6th The EDDYS ng SPEEd

DALAWANG Best Actress at Best Film ang nagwagi sa katatapos lamang na 6th The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap kagabi, November 26, sa Aliw Theater sa Pasay City.

 Itinanghal na Best Actress sina Janine Gutierrez para sa pelikulang “Bakit Di Mo Sabihin?” at Max Eigenmann para naman sa natatangi niyang pagganap sa “12 Weeks.”

 Wagi namang Best Film sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editor’s Choice Awards ang “Blue Room” mula sa Heaven’s Best Entertainment directed by Ma-an Asuncion Dagñalan, at ang “Family Matters” ng CineKo Productions na idinirek ni Nuel Naval.

Personal na tinanggap ni Max (anak ng yumaong aktor na si Mark Gil) ang kanyang Best Actress trophy at inialay ito sa kanyang ina, ang dating beauty queen at aktres na si Bing Pimentel.

Hindi naman nakadalo si Janine sa naganap na awards night kaya ang kanyang inang si Lotlot de Leon ang tumanggap ng kanyang tropeo.

Naging emosyonal pa nga si Lotlot nang magpasalamat sa iginawad na parangal ng The EDDYS para sa kanyang panganay na anak.

Baka Bet Mo: Iza Calzado, Piolo Pascual sanib-pwersa bilang mga host ng 6th The EDDYS ng SPEEd

“Alam n’yo po, pangarap ko talaga na makatanggap ng Best Actress award, ‘yun pala tanggapin ko, ‘yung sa anak ko. Janine, I’m so proud of you, my darling!” bahagi ng speech ni Lotlot na nagwagi namang Best Supporting Actress last year sa 5th The EDDYS.

Samantala, nanalo namang Best Actor ngayong taon ng The EDDYS si Elijah Canlas para sa naging performance niya sa “Blue Room”.

Si Mon Confiado ang nagwaging Best Supporting Actor para sa “Nanahimik ang Gabi”. Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakakuha ng kaparehong award ang aktor sa The EDDYS mula naman sa pelikulang “Arisaka”.

Maluha-luha ring tinanggap ni Nikki Valdez ang kanyang Best Supporting Actress award para sa “Family Matters” habang si Nuel Crisostomo Naval ang nag-uwi ng Best Director trophy para pa rin sa “Family Matters.”

Nagsilbi namang hosts ng awards night sina Piolo Pascual at Iza Calzado mula sa direksyon ni Eric Quizon. Si Pops Fernandez ang humataw sa opening production number habang naghandog din ng bonggang performance si Darren Espanto at ang grupong Calista. 

Para naman sa pagbibigay-tribute sa mga yumao nang personalidad na bahagi ng industriya ng pelikulang Pilipino, naghandog ng awitin ang King of Pinoy Teleserye Theme Song si Erik Santos.

Ang 6th The EDDYS ay mula sa produksyon ng Airtime Marketing Philippines at magkakaroon ito ng delayed telecast sa darating na December 2 sa A2Z.

Ito’y sa pakikipagtulungan ng Beautederm, Globe Telecom, Shopee, SMAC, Tough Mama. Nagpapasalamat din ang SPEEd kay Ms. Angeli Pangilinan-Valenciano ng Soundcheck at Ms. Mhae Serenas ng Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa 6th The EDDYS.

BEST FILM

“Blue Room,” Heaven’s Best Entertainment, Eyepoppers Multimedia Service, Fusee 

“Family Matters,” CineKo Productions  

BEST DIRECTOR

Nuel Crisostomo Naval, “Family Matters” 

BEST ACTRESS

Max Eigenmann, “12 Weeks” 

Janine Gutierrez, “Bakit ‘Di Mo Sabihin” 

BEST ACTOR

Elijah Canlas, “Blue Room” 

BEST SUPPORTING ACTRESS 

Nikki Valdez, “Family Matters”  

BEST SUPPORTING ACTOR 

Mon Confiado, “Nanahimik ang Gabi” 

BEST SCREENPLAY 

Mel Mendoza del Rosario, “Family Matters” 

BEST CINEMATOGRAPHY 

Moises Zee, “Nanahimik ang Gabi” 

BEST PRODUCTION DESIGN 

Marxie Maolen Fadul, “Blue Room”   

BEST EDITING 

Vanessa de Leon, “Blue Room”

BEST MUSICAL SCORE 

Jazz Nicolas and Mikey Amistoso, “Blue Room” 

BEST SOUND 

Andrea Teresa Idioma and Emilio Bien Sparks, “Nananahimik ang Gabi”  

BEST VISUAL EFFECTS 

Carl Regis Abuel, Tricia Bernasor and Geraldine Co, “Live Scream

BEST THEME SONG 

“Sa Hawak Mo” (Family Matters) composed by Paulo Zarate and sung by Floyd Tena

Special Awards

6th The EDDYS Icons — Niño Muhlach, Aga Muhlach, Snooky Serna

 Isah V. Red Award – Herbert Bautista, Coco Martin, and Piolo Pascual  

Joe Quirino Award — Veteran entertainment journalist Aster Amoyo

Manny Pichel Award — entertainment columnist Ed de Leon, 

Rising Producer of the Year — Mavx Productions

Producer of the Year — Viva Films 

Read more...