‘DAISY’ lalantad na, lalabanan ang nagdemanda kay FREDDIE AGUILAR


HAYAN, nag-react na talaga si Ka Freddie Aguilar hinggil sa naging aksyon ng isang abugado na nagsampa ng kaso laban sa kanya noong isang araw.

Qualified Seduction ang kaso laban sa music icon dahil sakop nga ng ating batas ang pagkakaroon ng ugnayan sa isang menor de edad (12-16 years old) sa isang itinuturing na may mataas na estado o otoridad sa karelasyon nito.

Talagang naramdaman namin ang galit at inis ng music icon nang sagutin niya at parunggitan ang abugadong tinawag pa niyang nagpapapansin lang, sabay sumbat dito kung mayroon daw ba itong nagawa para sa mga batang lansangan at mga inaabuso?

Hanggang ang isyu ng pork barrel at mga kurakot sa gobyerno ang binanggit nito na mas dapat daw pagtuunan ng pansin ng naturang abugado at hindi ‘yung pakikialam sa buhay pag-ibig ng ibang tao.

Sa usaping legal naman, naninindigan ang abugado at mga nagtataguyod ng batas na may violation nga silang nakikita sa naging pampublikong pag-amin ni Ka Freddie sa pagkakaroon ng menor de edad na GF.

Though may mga elemento ngang dapat na ma-meet sa usaping nabanggit gaya ng pagkakaroon ng sexual na relasyon, at iba pang mga bagay na dapat ay patunayan ng nag-aakusa sa mga nagmamahalan.

Tinawag pang “sex hungry” o “sex predator” ng abugado si Ka Freddie. Hmmm, mukhang magtatagal pa nga ang usaping ito. Baka biglang lumantad ang girl at lantaran nang ibandera ang kanyang pagmamahal kay Ka Freddie para lang hindi ito makasuhan at maipit sa kanilang sitwasyon.

‘Yan ang aabangan natin, keri kaya ng batang ito ang ipaglaban ang kanyang pag-ibig kay Ka Freddie?

( Photo credit to Google )

Read more...