Michelle Dee sa naging Miss Universe 2023 journey: ‘Thank you so much for raising our flag with me!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Michelle Dee
NAPAKAPOSITIBO pa rin ng pananaw ng Kapuso actress na si Michelle Dee matapos mabigo sa paglaban niya sa Miss Universe 2023 pageant.
Agad na nagbigay ng madamdaming mensahe si Michelle sa sambayanang Filipino nang hindi siya siya makapasok sa Top 5 ng naturang international pageant.
Umabot ang bet ng Pilipinas hanggang sa Top 10 sa katatapos lang na 72nd Miss Universe na ginanap sa National Gymnasium sa San Salvador, El Salvador, ngayong araw.
Ang kinoronahang bagong Miss Universe ay si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios habang sina Miss Thailand Anntonia Porsild at Miss Australia Moraya Wilson ang 1st at 2nd runner-up respectively.
Sa kanyang Instagram broadcast channel nagbigay ng message si Michelle para sa lahat ng sumuporta sa pagsabak niya sa Miss Universe 2023.
“Love and kindness over everything! Mahal ko kayo,” ang bahagi ng kanyang post.
Dagdag pa ng dalaga, “Thank you so much for raising our flag with me.”
Marami namang nanghinayang sa pagkatalo ni Michelle sa Miss Universe dahil napakatindi na ng kanyang performance sa ginanap na preliminary competition.