HOROSCOPE October 27, 2013 | Bandera

HOROSCOPE October 27, 2013

Madam Sophia - October 27, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Maraming matutuklasang aral sa araw na ito. Sa pinansiyal, mare-realize mong hindi pinupulot ang pera, kundi pinaghihirapan. Sa pag-ibig, wag pumatol sa   isang nilalang na na may pananagutan na sa buhay. Ipapahamak ka lang niya. Mapalad ang 3, 9, 12, 27, 33, at 42. Mahiwag among mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at gray ang buenas.         
Aries – (Marso 21-April 19) –    Election na bukas. Maging kalmante upang maiboto kung sino ang karapatdapat. Sa pinansyal, kung may mag-aalok ng pera, tanggihan mo upang mabago naman ang sistema. Sa pag-ibig, habang bomuboto isang Sagittarius ang lihim na magkaka-crush sa iyo. Mapalad ang 3, 9, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang bueans.
Taurus – (April 20-May 20) –   Sa pinansiyal, sa produktong pagkain ka uunlad. Sa pag-ibig, lalong kikiligin ang kasuyo kung sabay kayong kakain habang nagtitigan. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Violet at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)     –  Sa pinansiyal habang nagaganap ang Barangay Election kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa ng bukal sa loob, kusang darating ang true love.  Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria.” Red at black ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)      –  Sa pananalapi, ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan ngunit kung minsan pera-pera talaga ang labanan. Sa pag-ibig, kung lagi kang galit at mainit ang ulo, lalo kang papangit.  Ngumiti kahit nararamdamang malapit ka ng matalo. Mapalad ang 6, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Smile thou the hearts is breaking.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)      – Wag ng isipin pa ang mga suliraning hindi pa dumarating. Sa pinansiyal, tandaang ang ngayon ang mahalaga kaya ngayon ka na dapat mag tipid. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa malambing na Libra.  Mapalad ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Om-Dosya-Om”. Silver at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –          Mahusay na desisyon ang dapat, malapit na malapit na ang tagumpay. Manatiling kalmante upang malasap ang masarap na lasa ng pagwawagi. Sa pag-ibig, habang nanalo lalo namang iinit  ang romansa. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga.” Lilac at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –            Iwasang lumabag sa kabutihang asal. Sa pag-ibig,  upang hindi mapahamak, tigilan na ang pakikipag-relasyon sa maling nilalang. Sa pinansiyal, kapag naging tapat sa iyong pamilya saka ka palang yayaman. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Amara-Om-Ananda.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –          Lutasin na agad ang problema bago pa ito lumala. Sa pinansiyal, wag ng hintaying lumaki ng lumaki ang tubo, magbayad na agad. Sa pag-ibig, batiin ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)     – Wag katamaran ang kasauluyang ginagawa. Sa pinansiyal, ituloy lang ang kasalukuyang hanap buhay, darating ang araw kusa ding lalaki ang iyong kita. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Yellow at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)    – Sa pinansiyal, isang kaibigang Virgo ang mag-aabot ng malaking halaga. Tanggap lang ng tanggap. Sa pag-ibig, hingin ang ayuda ng minamahal, upang mas madaling malutas ang problema. Mapalad ang 1, 19, 26, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Haram-Aum.” Green at gray ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)      – Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan ngayon? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Red at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)      – Maglaan ng sapat na salapi para sa nalalapit na kapaskuhan. Sa pag-ibig, umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang hating pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Dosya-Rama.”  White at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending