SUNSHINE iniiwasan ng lalaki; natatakot sa resbak ni CESAR


Sinilip naman namin ang director ng Toda Max na si Malu Sevilla habang nagti-take ng eksena ng mga artista niya including their guests na sina Sunshine Cruz at Arjo Atayde.

Habang nasa monitor ay may reaction shot siya ni Sunshine. Syempre, close-up ‘yun and then freeze. Sabay sabi ni Direk Malu, “Hot mama talaga si Sunshine.”

Bigla siyang napalingon sa likod namin at biglang na-conscious nang malamang narinig namin ang sinabi niya about Sunshine. E, talaga naming hot pa rin naman ang ex ni Cesar Montano kahit may mga anak na.

Mabuti’t marunong mag-alaga ng kanyang sarili si Sunshine. Kaya hindi na kami magtataka kung maging pila-balde ang manliligaw ni Sunshine sa mga susunod na araw, ang tanong lang diyan kung hindi maduduwag ang mga lalaki kay Cesar, huh!

Posible kasing matakot sa aktor ang mga gustong pumorma kay Sunshine. Anyway, kinumpirma ni Direk Malu na mawawala na sa ere ang Toda Max. Pero may isang episode pa raw sila na gagawin next week.

And then, magpapahinga raw muna siya. Tatapusin lang daw niya ang teleserye niya na Juan dela Cruz sa Primetime Bida ng ABS-CBN bago mag-abroad.

Plano niya pumunta sa US pero ‘di pa raw siya nakakapag-book ng flight. Three weeks daw siyang magi-stay sa Los Angeles at San Francisco. Gusto man niyang tumawid sa New York, e, kakapusin na siya ng time.

( Photo credit to Google )

Read more...