MAPAPAKINGGAN na ang kauna-unahang solo album ni Jung Kook, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop supergroup na BTS.
Pinamagatan itong “Golden” na tungkol sa kanyang journey mula nang magsimula siya sa K-Pop scene hanggang sa makilala sa buong mundo.
Ang album ay may 11 na kanta na pinangungunahan ng title track na “Standing Next to You.”
Kabilang din diyan ang mga single niyang “Seven” at “3D” na nauna nang inilabas.
“The title track is of the retro funk genre and it sings about always staying together wherever and whenever,” saad ni Jung Kook sa isang pre-recorded video na ibinahagi sa local reporters.
Baka Bet Mo: BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’
Kwento niya, “The performance for this song is the best of all the other solo performances I’ve ever done, so please look forward to it.”
“In this album, I tried to mix in my style and my interpretation of the old school, retro genre by adding trendy beats and making them easier to listen to,” pagbabahagi pa niya sa paggawa ng musika.
Take note din na lahat ng kanta niya sa album ay Ingles.
Sa kabila ng naging tagumpay ng kanyang naunang singles, nanatili pa ring mapagkumbaba ang K-Pop star sa kanyang achievements.
“I am still not used to being called a ‘global pop star’ but I hope to continue doing my best to live up to that title,” sey niya.
Sambit pa ng K-Pop idol, “I continue to challenge myself to perform on diverse stages and try out diverse genres. Some could say that’s greed but I think there are so many things that I haven’t tried. I will continue to move forward until I am satisfied with myself.”
At siyempre, hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Jung Kook ang kanilang fans na nagsisilbing inspirasyon nila upang gumawa pa ng maraming kanta.
“Our fans are the greatest motivation for us to release a new album and to perform,” wika niya.
Dagdag pa niya, “Because of them, I am living my golden moment. I hope to continue this momentum along with my members. Our golden moment is not over.”
Dahil diyan, tiniyak ng global pop star na talagang babalik ang BTS at magsasama-sama sa taong 2025.
“We’ve grown stronger, releasing solo singles and albums. I promise you that BTS will be back even better. I think I look forward to that time more than my fans do,” ani ni Jung Kook.
Related Chika: