Bakit gustong baguhin ni Yeng Constantino ang ilang lyrics sa mga pinasikat niyang kanta, may isyu yarn?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yeng Constantino
MAY mga hit songs ang Kapamilya singer-songwriter na si Yeng Constantino na gusto niyang baguhin ang lyrics at atake para mas maging “in” sa panahon ngayon.
Pahayag ni Yeng, nais niyang gawan ng bagong version ang ilan sa mga pinasikat niyang kanta upang makasabay sa bagong henerasyon at sa edad niya ngayon.
Ito’y matapos ngang maibigay sa kanya ang full ownership ng lahat ng kantang isinulat niya mula pa noong magsimula siya sa music industry hanggang sa mga latest composition niya.
“Grabe ‘yung mga fans sobra akong natutuwa na nu’ng nalaman nila ‘yung balita na hawak ko na ‘yung catalogue, parang may personal favorites sila na ‘ate, gawan mo na ito ng bagong version, pwede po bang ire-lyric itong kantang ito.’
“That’s the good thing about owning your own songs,” ang pahayag ni Yeng nang mag-guest sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”.
“Kasi may mga kanta talaga ako na nagki-cringe rin ako nu’ng pinapakinggan ko.
“Alam mo ‘yung parang ang bata-bata mo pa nu’ng sinulat mo ‘yon kaya parang gusto mong i-update lang ng konti kasi very childish pa ‘yung point of view mo.
“Mayroon akong mga ganun na gustong i-relyric para appropriate naman sa age ko kapag kinanta ko siya,” paliwanag pa ni Yeng Constantino.
Recently lang ay inilabas ng award-winning singer at songwriter ang kanyang album na “Reimagined,” kung saan mapapakinggan ang mga re-recording ng ilan sa mga pinakasikat niyang kanta tulad ng “Salamat” at “Lapit.”
“Makalipas ang ilang taon, nasa pangangalaga ko na ang aking music catalogue.
“At dahil dyan binigyan ko ng bagong bihis ang ilan sa mga kantang minahal nyo galing sakin. Ito ang REIMAGINED. Unang limang kanta sa marami pang susunod.
“Palagi akong magpapasalamat sa lahat ng suportang binigay at binibigay nyo sakin. Alay ko lahat ng ito sainyo Yengsters!” mensahe ni Yeng sa isa niyang Instagram post.