ANGEL natakot sa alok na kasal ni PHIL


Samu’t sari ang reaksyon ng mga taong sumusubaybay sa relasyong Phil Younghusband at Angel Locsin dahil akala ng lahat ay sa simbahan na ito matutuloy kaya’t marami ang nagulat nang mabalitang naghiwalay na ang dalawa.

Sabi ng mga netizens, “Bakit? Anong dahilan? Wala namang babae si Phil, lalo na si Angel, stick to one siya?  Hindi nga sila nababalitang nag-aaway.”

Oo nga, in fairness bossing Ervin, wala rin tayong nabalitaang nag-away ang dalawa o nagkatampuhan man lang kasi nga hindi rin makuwento si Angel, siguro mas lalong hindi rin nagkukuwento ang Azkals player dahil hindi maganda iyon sa parte niya.

Anyway, haka-haka ng netizens, ang isa raw sa posibleng dahilan ng paghihiwalay nina Phil at Angel ay baka kasi nagyaya nang magpakasal ang football player pero ayaw pa ng aktres dahil busy pa siya sa kanyang showbiz career tulad ngayon, bisi-bisihan siya sa taping ng Toda Max at sa bago nilang seryeng Legal Wife bukod pa ‘yan sa pelikulang ginagawa nila ngayon ni Vhong Navarro. Idagdag pa ang pagbibida niya sa pelikulang “Darna” sa 2014.

And speaking of Darna, hindi raw kaya isa rin ito sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Phil dahil baka raw ayaw ng binata na pagsuutin ng Darna costume ang aktres dahil siyempre, mabibilad nga naman ang maganda niyang katawan.

Teka, parang wala namang binanggit si Angel na ganu’n kaseloso si Phil, di ba?   Oh well, anuman ang dahilan ng paghihiwalay nina Angel at Phil, e, igalang na lang natin tulad nga ng nasabi na ni Angel sa kanyang official statement, “Sana po maintindihan n’yo kung hindi na po namin sasabihin ang dahilan pero maayos po kaming naghiwalay at mutual decision po ito.”

( Photo credit to Google )

Read more...