THE Supreme Court commenced a new
program called “Judicial Dispute Resolution”. It simply means “pagbabatiin ni Judge”. Let me put it this way: I heard one judge described himself, and I quote, “parang Barangay Captain.”
That brings to point the importance of a barangay captain—to stand referee in disputes between parties. Both in the Regional Trial Courts and Municipal Trial Courts in the entire Republic of the Philippines, from Aparri to Jolo, the judge will exert all his/her charm, influence and effort to bring the parties to a compromise agreement.
Purpose: Keep litigants out of court.
This coming October 28, please choose wisely. The Barangay Captain you choose has the rank of “Judge” in court proceedings.
This brings to mind another interesting development, that is, lawyers and parties have been known to stay past 6 pm in the courtroom as they wait for their turn to “go inside chambers”. A rare opportunity to address the judge directly and “tell-all”.
Narito ang isang tanong mula sa ating ka-Tropa:
Dear Atty.:
Ask ko lang po, security guard po ako. Pag-apply po namin sa agency wala po kaming naibigay na PhilHealth at Pag-IBIG number. Bakit ho kinaltasan kami once a month at hindi po ba bago sila magkaltas bibigyan muna kami ng aming mga ID card at number? Ask ko lang kung mare-refund po ba namin yung mga ikinaltas sa amin? Salamat po. —Marie, 36, Novaliches, QC
Dear Marie:
Merong mga kumpanya na ginagawa na nila bilang pabor ang pag-apply ng mga SSS number at Philhealth number para sa kanilang mga empleyado. Ang suggestion lang natin ay itanong ninyo sa inyong accounting department kung ano ang inyong SSS at PhilHealth number para maverify sa SSS office at sa Philhealth office kung talagang kayo ay member na at kung hinuhulugan nga ba ito. Kung kayo ay pinaikot-ikot lamang ng inyong opisina o accounting department, maaring dumiretso na kayo sa SSS at PhilHealth. Ikwento sa kanila ang inyong naging problema sa office. Merong “Help Desk” na siyang tutugon sa inyong mga katanungan. —Atty.
Kung may nais kayong itanong kay Atty, i-text ang BATAS, pangalang, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.