NOONG Miyerkules ay tinalakay natin ang tungkol sa breast cancer bilang pagpapahalaga sa Breast Cancer awareness month na ginaganap taun-taon tuwing buwan ng Oktubre.
Tinalakay natin kung ano nga ba ang sakit na ito at kung paano ito nalalaman.
Nabanggit din natin kung ano ang ginagawa ng ating pamahalaan para mapalaganap ang kaalaman tungkol sa sakit na ito na ikinamamatay ng maraming kababaihan di lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang parte ng mundo.
Ngayon naman, tatalakayin natin kung may pag-asa pa ba ang tinamaan ng ganitong uri ng sakit, at maging ang gamutan kung ikaw man ay ma-diagnose na may breast cancer.
Ang pinakamababa na gamutan ng kanser sa suso ay operasyon o “surgery”, kasama na rito ang “biopsy”. Ang control ng kanser sa lugar ng suso ay nangangailangan ng “MASTECTOMY” kung saan ay tinatanggal ang buong suso. (Naalala ba ninyo ang Holywood actress na si Angelina Jolie na nagpatanggal ng kanyang suso dahil sa prone siya sa breast cancer na “namana” niya sa side ng kanyang ina).
Kapag isinama ang mga kulani sa kilikili, ang tawag dito ay “Modified Radical Mastectomy” (minimum surgery for Breast Cancer).
Dito malalaman ang STAGE ng Kanser. Mayroon “Adjuvant Treatment” pagkatapos na matanggal ang suso. Pwedeng gumamit ng “Radiation or Radiotherapy” at “Chemotherapy”. Mayroon ding “Immunotherapy” para patulugin ang mga “cancer cells”.
Hanggang sa ngayon ay puro mekanismo pa lang ang ibinibigay na kaalaman kung paano nangyayari na nagkaka-kanser sa suso.
May mga “risk factors” gaya ng “obesity” at “strong family history” ng kanser sa suso (gaya nung kay Angelina Jolie).
Ang tunay na dahilan kung bakit nagkaka-kanser ang isang tao ay hindi pa natutukoy. Yun ang nakalulungkot dahil mahirap pang madetermina kung bakit ang isang babae ay tinatamaan ng ganitong uri ng sakit na nakamamatay.
Pero marami ang naniniwala na may kinalaman ang “lifestyle”, nutrisyon at ehersisyo. May kinalaman din ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at paglalasing kung bakit ang isang indibidwal ay nagkaka-kanser dahil nga ang resistensya ng katawan ay bumababa.
May kinalaman din ang pagiging makasarili at “unforgiving” sa pagkakaroon ng kanser.
MAY nais ka bang idulog kay Dr. Heal? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa kanya sa 09999858606 o 09277613906.
Si Dr. Heal ay mapakikinggang din gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes alas 8 hanggang alas 9 sa DZIQ RADYO INQUIRER 990AM. Doon ay maaari kayong kumunsulta o magtanong sa kanya tungkol sa inyong mga sakit.