AFTER mapabalitang nag-break na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, bumandera naman ang balitang break na rin sina Phil Younghusband at Angel Locsin. Talagang tuluy-tuloy ang “sumpa” sa showbiz na may kunek nga sa hiwalayan.
Nauna na sina Nikki Gil at Billy Crawford (best buddy ni Luis), na sinundan nina Derek Ramsay at Cristine Reyes, then sina Luis at Jen nga, tapos ito ngang sina Phil at Angel nga (ex-GF naman ni Luis).
Lahat ng nabanggit na break-ups ay walang itinuturong third party o nakisawsaw sa kanilang relasyon. Yung kina Bily at Nikki ay parang nagpahulaan pa dahil si Billy ang umako ng burden sa break-up.
Pero ngayon ay mukhang nagkakaroon ng ng mukha ang noo’y tsismis lang na nag-uugnay sa kanila ni Coleen Garcia dahil bukod sa araw-araw itong nakakasama ni Billy sa It’s Showtime, may mga tsismis na masyado na silang “open” sa pagpapakita ng kanilang special bonding gaya ng paghaharutan, pagbibiruan at panaka-nakang pagyayapusan sa kanilang private moments.
Sina Derek at Cristine din ay tahimik sa tunay na rason ng hiwalayan nila. Ang latest naming nabalitaan ay yung pagiging sweet’ uli nila nang magkasama sa kanilang show sa Hawaii noong nakaraang linggo. May mga ire-reshoot din silang eksena sa kanilang ginagawang movie na “Trophy Wife”.
May balitang mas dinamdam naman ni Jennylyn ang naging break-up nito sa “ampon” naming si Luis na very consistent sa paghingi ng pakiusap na “ibalato” na lang sa kanila ang real reason ng kanilang break-up. Though nabanggit ang name ni Dennis Trillo (ex-BF ni Jen) na siyang dahilan daw ng hiwalayan, wala namang makapagpatotoo nito.
Kaya kung dedma man o hindi nagbibigay ng anumang pahayag either si Angel or si Phil na latest ngang natsitsismis na naghiwalay na rin, eh wala nga tayong magagawa kundi ang maghintay. Hay pag-ibig!
Anyway, sinu-sino pa kayang showbiz couple ang masasampolan ng “kamalasan” ng taong 2013? Sana naman waley na, ha! Quota na!