SA kabila ng kinasasangkutang isyu ng bandang Kamikazee ay mas pinili ni Jay Contreras ang “pag-ibig”.
Matatandaang trending ngayon ang banda matapos maiulat ang pagpapaalis sa kanila ni Gov. Boboy Hamor sa Sorsogon at hindi pagpapasampa sa stage para mag-perform sa Kasanggayahan Festival noong Linggo ng gabi, October 1.
Si Jay ay ang lead vocalist ng Kamikazee.
Kaliwa’t kanan ang tanong ng mga netizens hinggil sa kanilang panig ukol sa tunay na nangyari sa kanyang latest posts sa Instagram.
“I choose love,” caption ni Jay sa kanyang black and white photo na uploaded sa Instagram.
Baka Bet Mo: Bandang Kamikazee pinalayas sa Sorsogon, sey ng governor: ‘Hindi tayo puwedeng bastusin’
Kalat na ngayon sa social media ang video ng gobernador ng Sorsogon na humihingi ng tawad sa kanyang constituents na nag-aabang sa Kamikazee dahil hindi na matutuloy ang performance ng banda na pinangungunahan ni Jay.
“Sana na naintindihan niyo. Hindi ko gusto to. Kaso sinabi ko nga, may attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin. Maraming banda, maraming banda na gustong magpasaya sa atin. Pero kung ganu’n naman yung ugali, pasensiyahan tayo. Okay?” saad ni Gov. Hamor.
Ayon sa “24 Oras”, nagalit raw ang gobernador sa banda nila Jay namg tumanggi ang mga ito na magpa-picture sa bagong tourist attraction sa lugar na Thousands Light Roses.
Bukod pa rito, viral na rin ang post ni Jonathan Valdez na siyang punong abala sa pagdadala ng mga artista at performers sa Sorsogon sa kanyang naging experience sa banda nina Jay.
“In my years of bringing bands/artists in Sorsogon, never po nag request ng picture si Gov. And I believe all the artists/bands na nakapunta sa Sorsogon can attest how considerate, kind, & generous Gov is, kaya naman I did everything to accommodate his very simple request couple of days before the event,” saad ni Jonathan.
Aniya, agad raw na pumayag ang Imago at I Belong To The Zoo sa kanilang request samantalang pahirapan daw ang sagot ng banda ni Jay at pumayag lang ito 30 minutes bago ang kanilang set.
Naghintay rin daw ang gobernador sa naturang venue ngunit hindi raw bumaba ng van ang banda.
“In my years in the business ngayon lang ako umiyak at nakikiusap na bumaba na sila for the 2 minute picture, I even told them na singilin nila ako for an additional fee for this, Muntik na akong lumuhod, pero – DEADMA!” sey pa ni Jonathan.
Hirit pa nito sa banda nila Jay, “Hindi ko kayo makakalimutan mga Sers, ibang level ang po kabastusan nyo!”
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ng bandang Kamikazee hinggil sa isyu.
Iba Pang Chika:
Silent Sanctuary pinabulaanan ang isyung ‘homophobe’, dating ka-banda pumalag: ‘They told me I needed to go back into the closet…’
Janine Berdin may sariling banda na: This is my dream…this means the world to me