JAMES ngayon lang naramdaman ang pagkalalaki; jackpot sa GF


Puring-puri ng mga tagasuporta ng San Mig Coffee ang girlfriend ngayon ni James Yap na si Michaela Cazzola. Wala raw kasing kaere-ere ang Italyana, saka hindi rin maepal, lumalagay raw sa lugar ang karelasyon ngayon ng pambatong basketbolista ng kanyang team.

Kadalasan kasi ay naghihintay sa labas ng dugout ang mga girlfriend o misis ng mga players, sabay silang lalabas sa stadium, sabay ring sasakay sa kanilang kotse o van.

Pero si Michaela raw ay hindi ganu’n, dahil habang nasa dugout pa si James ay sumasakay na agad ang dalaga sa magarang kotse ng basketbolista, hindi na nagpapakita pa sa mga nandu’n na magkahawak-kamay silang lumalabas ng venue ng laro.

Napakasimpleng babae rin daw ni Michaela, palangiti pa, maganda raw ang PR ng inspirasyon ngayon ni James Yap. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit gustong-gusto ng mga tagasuporta ni James ang Italyana, pati kasi ang mga ito ay pinahahagalahan ng dalaga, wala itong pinipili.

“Kitang-kita sa mukha ni James na maligaya siya ngayon, bakit naman kasi hindi, e, mukhang nakasuwerte na siya sa babaeng maganda na, propesyonal at mabait.

Ngayon pa lang siguro niya nararamdaman na lalaki pala siya,” makahulugang komento ng isang malapit sa star player ng San Mig.

May karapatan namang lumigaya si James Yap, tapos na naman ang lahat sa kanila ni Kris Aquino at si Baby James na lang ang tanging dahilan pa ng anumang komunikasyong meron sila ngayon, wala nang iba pa.

Kahanga-hanga pa rin ang husay sa paglalaro ni James Yap, at ganu’n siya na ang isa sa mga poste ng kanilang koponan, kapag nakapagdedeliber ang magaling na manlalaro ay mapagpakumbaba pa rin siya at walang kayabang-yabang.

Read more...