VP Binay binanatan sa ‘epal’ relief bags

KATAKUT-takot na batikos ang natanggap ni Vice President Jejomar Binay mula sa mga netizens makaraang kumalat online ang mga larawan ng mga relief bags na
ipinadala niya sa mga nilindol na probinsya kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.
Dalawang Facebook pages ang nag-share ng larawan kung saan nakabandera ang pangalan ni Binay at ang logo ng kanyang tanggapan.
Ang pahina na may titulong “Expose Graft and Corruption in Government” ay inilagay ang larawan na may caption na “Our money, Binay’s glory” habang ang “Anti-Epal” page naman ay may titulo na “Pati relief goods for Bohol may pangalan o. Not good. You’ve reached a new low, Mr. Vice President.”
Kapwa mayroong tig-2,800 shares ang dalawang post.
Ayon sa mga netizens, hindi na kailangang lagyan ng pangalan ang mga bag dahil parang nangangampanya na si Binay.
Isa naman ang nagtanong kung personal na salapi ba ni Binay ang
ipinambili ng relief goods subalit ipinunto ng isa pa na ang mahalaga ay nandoon at tumutulong ang opisyal sa mga biktima.
Hirit naman ng Facebook user na si Herbert Cambe: “Dapat kasi bawal na talaga maglagay ng name ang mga public officials. Specially sa mga projects and donations, hindi naman nila personal money yun eh, dapat standard yun na “Project of the Citizens of the Republic of the Philippines.”
“What about the money spent to buy those bags and to get them printed? That could have been more food for the Boholanons,” komento naman ni Wendell Abellanosa Dagatan.
Habang ang iba ay sinasabing huwag iboto si Binay sa 2016 elections, marami naman ang sumuporta rito dahil sa kanyang pagtulong.
Hanggang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon mula sa opisina ng bise presidente.
Sa naunang kalatas, sinabi ng tanggapan ni Binay na nakapagbigay sila ng 8,000 bag ng relief goods sa mga naapektuhang pamilya sa Bohol noong isang linggo. Nagpadala rin umano sila ng rescue volunteer tea

Read more...