ANGEL ayaw magpa-interview sa paghihiwalay nila ni PHIL


“HONEST, wala akong alam.  Hindi kami nagkikita,” ang bungad sa amin ng manager ni Angel Locsin na si Manay Ethel Ramos nang i-text namin noong Lunes ng hapon tungkol sa balitang hiwalay na ang aktres sa boyfriend nitong si Phil Younghusband.

Muli naming kinulit si Manay Ethel nang magkita kami sa pocket interview ng Viva’s Rising Beauties na sina Yam Concepcion, Danielle Castano at Meg Imperial kahapon, “Sa totoo lang, hindi pa kami nag-uusap, hindi kami nagkikita kasi kaninang 6 a.m. (kahapon) lang siya pinakawalan from taping ng Legal Wife (teleserye) nila ni Jericho (Rosales).

“Minamadali nila kasi alam mo ba kung kailan ang airing ng soap, sa Oct. 28 na, ang bilis ‘no?” paliwanag sa amin.
Nagulat kami dahil sa Lunes na pala ang airing ng Legal Wife nina Echo at Angel plus Maja Salvador, e, nakaka-ilang taping days pa lang sila, di ba bossing Ervin? (Oo nga, bakit ganu’n!? – Ed)

Bago kami naghiwalay ng manager ni Angel ay nagsabi kami na dadalawin namin ang aktres sa taping ng Toda Max kahapon, “Check mo kung nandoon siya, kasi wala siyang tulog, umaga na pinauwi.”

Dagdag pa ni Manay Ethel, “Pag nagkita kasi kami, pinag-uusapan namin about business, walang personal kaya wala akong alam. Unless magsabi siya, doon ako magtatanong.”

At mukhang iniiwas nga na mainterbyu si Angel dahil hindi sa studio ng ABS-CBN ang taping ng Toda Max kahapon. “Hindi naman, Halloween episode kami kaya sa labas ng studio,” say ng isang staff ng sitcom.

Okay fine! Nakapagtataka lang kasi na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Angel tungkol sa break-up nila ni Phil. Dati kasi, very open siya sa pagsasalita tungkol sa kanyang boyfriend.

Ibig bang sabihin ng pananahimik niya ay totoo talaga ang paghihiwalay nila ni Phil?

Read more...