Billy umaming hindi madali para sa kanya ang makipag-love scene si Coleen: ‘Pero huwag na lang niyang isiping may asawa siya’

Billy umaming hindi madali para sa kanya ang makipag-love scene si Coleen, pero payo niya sa asawa: 'Huwag na lang niyang isiping may asawa siya'

Coleen Garcia at Billy Crawford

HINDI madali para kay Billy Crawford ang tanggapin na kailangan pa ring gumawa ng love scene ng asawang si Coleen Garcia sa mga ginagawa nitong pelikula.

Ngunit naiintindihan naman daw niya na trabaho lang ang ginagawa ng pinakamamahal niyang wifey kaya pinag-uusapan talaga nila kapag may mga intimate scenes ang aktres.

Sa guesting nina Coleen at Billy sa September 4 episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” napag-usapan nga ang tungkol sa paggawa ng mga love scene sa mga pelikula.


“She has to look at me as someone who is fully support. Kung ano ang kailangan niyang gawin for the role, gawin niya lang.

“Don’t think about me. Huwag niyang isiping may asawa or anything. Just concentrate on the role that she’s actually doing,” ang sabi ni Billy kay Tito Boy.

Baka Bet Mo: Coleen sa isyu ng selosan sa kanila ni Billy: ‘Dinadaan na lang namin sa joke, parang hirit-hirit lang pero minsan may laman’

Isa raw ito sa paraan ng pagrespeto ng TV host-actor sa trabaho ni Coleen at napakalaki rin daw ng tiwala niya sa asawa.

Hiningan naman ni Tito Boy si Coleen ng reaksiyon sa sinabi ni Billy, “Kinilig ako because it’s so selfless. It’s like, you know, parang, the assurance.


“Because the job itself is really difficult…It’s just great having to, like, not having to think about that. You know, it’s one less thing that I have to think about,” sey pa ni Coleen.

Ngunit inamin ni Billy na hindi rin madali para sa kanya na tanggapin ang ginagawa ni Coleen bilang aktres kaya importante ang open communication sa kanila bilang mag-asawa.

“You have to understand the job din kasi,” ani Billy

Napapanood ngayon si Coleen sa mini-series ng Viva Entertainment na “Kung Hindi Tayo Sumuko” kung saan kasama niya si Carlo Aquino habang isa naman si Billy sa mga coach ng “The Voice Generations” sa GMA 7 kasama sina Chito Miranda, Stell at Julie Anne San Jose.

Ken laging may kasamang psychiatrist sa taping: Alam kong hindi magiging madali

Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

Read more...