‘A Very Good Girl’ nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ipalalabas din sa US: ‘The quality of work we do here is world class’

'A Very Good Girl' nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon ipalalabas din sa US: 'The quality of work we do here is world class'

Kathryn Bernardo at Dolly de Leon

BONGGA! Ipalalabas din sa iba’t ibang lugar sa Amerika ang pinakaaabangang comeback movie ni Kathryn Bernardo kasama si Dolly de Leon, ang “A Very Good Girl“.

Ayon sa report ng The Wrap, mapapanood din ng mga kababayan natin sa US simula sa October 13 ang latest offering ng Star Cinema mula sa direksyon ni Petersen Vargas.

“I’m really excited for the upcoming release of A Very Good Girl in North America.

“This is a great opportunity for Philippine cinema to reach a wider audience and for filmgoers and movie lovers around the world to see that we really have a lot to offer and that the quality of work we do here is world class,” ang pahayag ni Dolly sa panayam ng The Wrap.

Ayon naman kay Kathryn, feeling blessed talaga siya na sa kanya ipinagkatiwala ng Star Cinema ang napakatapang na pelikulang “A Very Good Girl” kasama si Dolly na kinilala nga ang husay sa pag-arte sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sey ni Kath, sana raw ay mas marami pang Filipino movies ang mabigyan ng pagkakataon na maipalabas sa Amerika.

“This is my first time experiencing this so this is something new for me, for Star Cinema, and it’s such an honor to be part of this experience. Hopefully this will open more opportunities not just for Star Cinema but also for other Filipino films,” pahayag ng girlfriend ni Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Dolly de Leon inatake rin ng matinding nerbiyos sa ilang eksena nila ni Kathryn sa ‘A Very Good Girl’: ‘Ang dami kong natutunan sa kanya’

Sa nakaraang presscon ng pelikula, inamin ni Dolly na matagal na niyang gustong makatrabaho si Kathryn, “Kasi I’ve admired her for a long time na. Sa Hello,  Love, Goodbye, ang husay husay niya dun.


“And ang impression ko sa kanya, mabait siyang tao. Alam mo ‘yung ganu’n? Kasi di ba minsan ‘pag meron tayong di pa na-mi-meet na tao meron tayong pre-conceived notions?

“Ang impression ko sa kanya mabait. Goody goody, mabait. So sabi ko makakasundo ko siya,” aniya pa.

“Ang creative nga niya, ang dami niyang ideas, marami siyang ideas na pinu-put forward,” dugtong na papuri ni Dolly kay Kath.

Pagbabahagi naman ni Kathryn sa naging experience niya working with Dolly, “This project, mahirap siya. And then I really needed someone to hold on to. Kasi sabi ko kailangan ko lahat ng makakapitan ko sa project na ito.

“At times talaga, hindi ko alam kung tama ‘yung ginagawa ko. And then once sinabi sa akin ni Ms. D na that’s right, okay naramdaman ko ‘yun, parang may extra assurance ako na okay naman pala ‘yung ginawa, tama naman ‘yung ginagawa and kailangan mo lang maniwala sa sarili mo,” lahad pa ni Kathryn.

Alfred Vargas mala-superhero ang ganap sa buhay; kering-kering pagsabayin ang pagiging aktor, konsehal, tatay at asawa

‘Dito at Doon’ nina Janine at JC hindi muna ipalalabas sa sinehan, pero tuloy sa online platforms

Read more...