RHIAN muntik nang mag-suicide, nagpatingin agad sa ‘PSYCHO’

DUMATING din pala ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa puntong nagkulong sa kuwarto, hindi naliligo at ayaw nang bumangon sa kanyang kama nu’ng kasagsagan ng iskandalo sa kanila ni Mo Twister.

Ayon kay Rhian, buti na lang daw ay wala siyang suicidal tendency dahil kung hindi, malamang daw ay wala na siya ngayon sa mundo.

Nakachika namin ang aktres sa nakaraang Masskara Festival sa Bacolod nitong weekend, kasama niyang nagpunta roon para mapasaya ang mga kababayan natin doon sa nasabing event ang iba pang cast ng primetime series na Genesis tulad nina TJ Trinidad at Betong Sumaya.

At dito nga naikuwento sa amin ni Rhian kung paano siya naka-survive sa matinding unos na ‘yun sa kanyang buhay dulot ng pakikipagrelasyon niya kay DJ Mo.

Tanong namin sa kanya, hindi ba niya naisip na magpakamatay nu’ng mga panahong ‘yun? “I wouldn’t say I have suicidal tendency, which is the reason why I’m still alive now, pero it doesn’t mean it didn’t bother me to that extent at that time,” tugon ng dalaga.

“Kasi nu’ng panahon na ‘yun, I would really lock myself sa room, and people around me were worrying about me, dahil ayoko talagang makipag-usap sa kahit kanino, I want to be alone, and I wasn’t showering. Ha-hahaha!

“But then I decided one day, hindi na ito normal, I need to see somebody na makakatulong sa akin, so I asked help from an expert, professional help ito, ha, I mean, psychologist, at sabi niya sa akin, saktong tanong niya sa akin, youre not getting out of bed, have you been showering?

“Kasi raw ang kasunod nu’n, ‘you’ll start avoiding people.’ Sabi ko I really am avoiding people, kaya ang sabi niya, ‘umalis ka sa kama mo, kahit wala kang pupuntahan, go anywhere and find something to do.

Talk to people kahit ayaw mo.’ “And he was telling me bad things, what’s gonna happen next. So sabi ko, ‘Oh my God, I have to save myself!’

Kasi alam mo, honest naman ako sa sarili ko, kapag alam kong I need help na, gagawin ko na talaga. Haharap na ako sa salamin at kukumbinsihin ko na ang sarili ko, ‘Rhian, you need help, go and look for it, ask for help.’” kuwento pa ni Rhian.

So, kumusta ka na ngayon? “Super realistic na ako ngayon, I’m happier now, hindi na ako masyadong umaasa sa ibang tao, you know, the fact na pinagdaanan ko lahat ‘yun and I’m still here, sobrang grateful.”

Walang masyadong intriga sa inyo ni KC Montero, mukhang okay na okay kayo, “Yes, kasi sobrang supportive siya, at honest kami sa isa’t isa, I mean it’s so literal na lahat sinasabi namin, with everything that I feel, parang walang dahilan para magsinungaling or magtago ka ng kahit ano, like when he asks me, ‘Are you going out tonight?

Who are you with?’ Sasagutin ko naman ng, ‘Yes, I’m out with some friends.’ Tapos iisa-isahin ko yung names, he would say, ‘But those are all guys.’ ‘Well, Babe, I have a lot of guy friends,  anong magagawa ko?’

“Kasi ang maganda, kahit noong friends pa kami, alam na niya na marami akong lalaking kaibigan. At naiintindihan niya ‘yun. And it takes a very strong man to feel that. Walang insecurity, walang selos,” sey pa ng Kapuso aktres.

Feeling mo, siya na talaga? Or kasalan na ba? “Ngayon, parang feeling ko, there’s really no way of telling just because hindi ko siya iniisip, coz I know na hindi pa ako ready and he knows that, we talk about it.

Marami pa kasi akong gustong gawin sa buhay ko, at hindi lang sa showbiz ‘yun ha, other things pa.”  “Maybe kapag 30 something na ako.

So, matagal pa. Tsaka, hindi pa naman end of the world, di ba? Sa Genesis lang ‘yung katapusan ng mundo,” biro ng aktres.
Anu’ano ang mga pagbabago sa buhay mo simula nang dumating si KC? “I stopped being a follower, kasi it takes a very secure man para ipakita niya na hindi niya pag-aari ‘yung girl.

Kaya my respect for him is so high, I never felt na he needs to show the world na mas powerful siya kesa sa akin, he knows naman that we’re committed to each other, so alam niya na hindi na niya kailangang i-flaunt.

“Hindi siya ‘yung type na, ‘O, you come home at this time, huwag mong samahan iyan’, or ‘I dont like you doing kissing scenes.’ It’s like, are you freakin kiddin me? He’s happy kasi kung anong meron kami.

He knows na mahal ko siya at alam niya rin ‘yung limitations,” chika pa ni Rhian.

( Photo credit to Google )

Read more...