Text at photos ni Ervin A. Santiago, Entertainment Editor
Sa pakikipag-one-on-one namin kay Erik nalaman namin na talagang hindi siya mahilig gumimik, hindi rin daw siya mahilig sa mga party, mas gugustuhin daw niyang magpahinga na lang sa bahay at makipag-bonding sa kanyang family and friends sa kanilang tahanan.
Kilalanin pa natin ang Prince of Pop sa pamamagitan ng ilang katanungang ibinato namin sa kanya. Narito po ang kabuuan ng aming chikahan.
BANDERA: Erik, paano mo pinalilipas ang free time mo, lalo na kapag hindi ka busy sa iyong singing career?
ERIK SANTOS: Most of the time, sa house lang, kami-kami ng family ko. Sometimes I invite my frends sa bahay para mag-dinner, magkantahan, magkuwentuhan. Ganu’n lang, hindi kasi ako nasanay na gumimik sa mga bar. Mas nagiging interesting kasi ang kuwentuhan kapag tahimik ‘yung lugar, mas marami kayong napag-uusapan na may sense.
B: For the first time ay napanood ka ng buong mundo na umarte sa Maalaala Mo Kaya, how was the experience? Nag-enjoy ka ba? O after that, parang ayaw mo na?
ES: For me, it was worth the wait. Kasi, talagang matagal na nila akong niyayaya na mag-MMK, pero feeling ko, hindi pa ako handa. Actually, may gagawin sana kami ni Rufa Mae (Quinto) sa MMK, noong kami pa yun, pero hindi ko talaga kaya pa. So, hindi namin tinanggap. Then may ilang materials pa silang in-offer sa akin, nahihiya na nga ako sa kanila, kasi baka isipin nila, nag-iinarte lang ako. Pero mismong si tito Boy (Abunda, Erik’s manager) ang nagsasabi sa kanila na talagang hindi pa ako handa.
Hanggang sa dumating na yung time na ito na, na-feel ko nang parang siguro it’s about time to try acting. Nu’ng umoo na ‘ko. pinag-workshop agad ako ni tito Boy kay direk Laurice Guillen hanggang sa mag-shoot na kami for MMK. And nagpapasalamat ako, dahil nagustuhan naman ng mga tao yung ginawa namin.
B: Ano yung feeling nu’ng una kang humarap sa camera at umaarte?
ES: Before ng taping kasi, nag-usap kami ni direk Mae Cruz, sinabi ko talaga sa kanya na wala akong idea kung ano ang mangyayari, so talaga pong first time ko ito, sana magkaroon kayo ng patience sa akin. Sobrang galing ni direk, tsaka yung patience niya, grabe! Hindi rin ako na-trauma sa kanya, kaya naging maganda yung first experience ko.
B: Kung bibigyan ka ng chance na makagawa ng isang soap opera, sinu-sino ang gusto mong makasama or makapareha?
ES: Siguro gusto kong makatrabaho si Sarah Geronimo, kasi kumportable na ako sa kanya, almost seven years na kaming magkasama, magkaibigan, kumbaga sa lahat, siya ‘yung puwedeng maging partner ko na magiging comfortable ako, yung walang magiging hiyaan or anything.
Actually, gusto ko rin si Maja Salvador tsaka si Toni (Gonzaga), kasi feeling ko kami ni Toni swak yung ugali namin, e. Nagkasama na kasi kami sa Canada, series of concert yun, and na-discover namin pareho na swak pala yung ugali namin. Siguro kung bibigyan ako ng pagkakataon, hindi siguro magiging ganu’n kahirap.
B: Finally, natapos mo na rin ang course mong B.S. Psychology sa Centro Escolar University, ano ang feeling na nagbunga na ang mga paghihirap at mga sakripisyo mo?
ES: Grabe! Sobrang sarap ng feeling na hawak mo na yung diploma mo. Hindi ko ma-explain yung happiness. Ibang-iba yung satisfaction na nararamdaman ko sa mga concerts ko, du’n sa time na tinanggap ko na yung diploma ko. Basta iba!
B: Paano mo magagamit yung natapos mo sa career mo sa showbiz?
ES: Sa Psychology kasi, you study people, ‘yung behavior ng mga tao. So ako, naisip ko, pwede ko siyang magamit sa trabaho ko. Di ba, marami akong nakikilalang mga tao, iba-iba every day, so, for me, ngayon, madali nang pag-aralan ang mga moves nila, bakit ganito, bakit ganyan ang ugali nila. So ‘yun siguro ang tulong, pinag-aralan ko talaga ‘yong effect ng fame sa behavior ng isang artista.
Kung tatanungin mo naman kung balak kong i-practice talaga, hindi ko pa masyadong napag-iisipan. But my professors, kinukumbinse nila ako na mag-graduate school. But I’m still thinking about it. Sa ngayon, magpo-focus muna ako sa career ko bilang singer and actor na rin. Ha-hahaha!
B: Ano ang maipapayo mo sa mga tulad mong artista na kinalimutan na ang pag-aaral dahil sa showbiz?
ES: Kasi naniniwala ako na kahit sobrang busy ka, kakayanin basta’t gusto mo talaga. Sayang kasi ang panahon. Ako kasi, talagang bata pa ako, yun na ang dream ko, ang makapagtapos ng college. Dati, noong hindi pa ako naengganyong sumali sa mga singing contest, okay na okay ang standing ko sa school. Pero hindi naman ‘yun sa dahil matalino ako, kundi dahil masipag akong mag-aral. Tsaka ang importante, marunong kang mag-ayos ng schedule mo at nandu’n yung drive mo to finish what you’ve started.
Magagawa n’yo kung gugustuhin. Yes, nandu’n na tayo, mahirap talaga, talagang may mga bagay na kailangan mong isakripisyo, may mga trabaho na hindi mo magagawa, pero it’s all worth it. I mean, kapag nakasampa ka na ng stage, narinig mo na ang pangalan mo as graduate of 2010, parang lahat ng nawala sa ‘yo na booking or projects, okay lang.
B: Kumusta naman ang lovelife mo?
ES: Wala pa rin, e. Pero siguro ngayon magkakaroon na tayo ng time para diyan. Kasi nga medyo hindi ko muna binigyan ng time ‘yang mga bagay na ‘yan dahil nga sa pag-aaral ko. Hindi mo na talaga pwedeng isingit. But now, let’s see. Sana, sana magkaroon na rin. Iba rin kasi yung may someone special sa buhay mo, di ba? Parang mas inspired ka lagi.
B: Wala ka pa bang balak mag-asawa at bumuo ng sarili mong pamilya?
ES: Sa ngayon, wala pa talaga. Bata pa naman ako, and I know, marami pang pwedeng mangyari sa akin in the future. But of course, lahat naman tayo gustong magkaroon ng sariling pamilya one day, pero kung sa ngayon, wala pa. I know darating at darating din naman yung time na ‘yun, mapi-feel mo kung it’s the right time na, kumbaga.
B: Ano pa ang mga dreams mo na hindi mo pa natutupad?
ES: Siguro, yung siyempre, isa talaga sa mga pinapangarap ng mga local singers ay yung makilala ko internationally. Kumbaga, makarating yung musika mo sa ibang bansa, mas maraming makarinig.
Bandera Entertainment, Philippine Entertainment news, 080910