Nagtataka rin ang marami kung bakit parang naging maamong tupa daw bigla si Claudine Barretto sa nakaaway niyang asawang si Raymart Santiago at mga kapatid, lalo na kay Gretchen Barretto.
“Mahusay na aktres ba talaga siya o sadyang gimekera?” reaksyon ng isang DZMM televiewer namin nang basahin nga namin sa programa ang update tungkol sa demandahan ng dating mag-asawa.
Kung dati raw na halos luray-lurayin nila ang isa’t isa sa mata ng publiko, tila may kung anong pagkambyo ang panig ni Claudine sa ngayon, lalo pa’t nawalan na ng gana ang publiko sa mga drama ng pamilya nila.
Bigla nga raw itong naging mabait sa tono ng kanyang pananalita at may ipinahahayag na mensahe hinggil sa mga kabutihang nagawa niya sa mga kapatid na sana naman daw ay alalahanin ng mga ito.
May pakiusap din ito sa asawang si Raymart na maging maingat naman daw sa mga binibitawang paratang laban sa kanya kung ayaw daw nitong baka manahin ng mga anak nila ang ganu’ng asal?
May mga emote pa ito ngayon na bising-busy sa pagiging ina kaya’t parang dedma muna ito sa mga legal battles niya?
Nakakaloka, di ba kapatid na Ervin?
Nahihilo na talaga kami, pramis! Ano nga kaya ang nakain nitong si Claudine at parang maamong tupa ngayon na paawa epek!?
( Photo credit to Google )