Jose Mari Chan ‘nagparamdam’ na ulit, may pa-assignment pa sa mga gumagawa ng kanyang ‘memes’

Jose Mari Chan ‘nagparamdam’ na ulit, tila may pa-assignment pa sa mga gumagawa ng kanyang ‘memes’

PHOTO: Facebook/Jose Mari Chan

MALAPIT nanamang magsimula ang “ber” months!

So alam na this mga ka-bandera, magsisimula nang mag-ingay sa social media ang mga nakakaaliw na “memes” ng binansagang Father of Philippine Christmas Songs na si Jose Mari Chan.

At dahil ilang araw nalang bago mag-Setyembre, nagsimula na ngang magparamdam ang seasoned singer at nauna na siyang lumabas sa morning news program ng GMA na “Unang Hirit.”

Ipinakita sa nasabing programa ang pasilip ng naging panayam ni Susan Enriquez para sa kanyang show na “IJuander” na mapapanood sa Linggo, August 27.

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan ‘lumantad’ na sa pagsisimula ng Christmas season; may hiling kay Mariah Carey

Sa maikling video, naitanong ni Susan sa OPM icon kung nakikita ba nito ang mga naglalabasang meme tuwing sasapit na ang “ber” months.

Agad na sagot naman sa kanya ni Jose, “Yes, nakikita ko ‘yun.”

Inamin ng legendary singer na natutuwa siya rito at lubos siyang nagpapasalamat sa mga gumagawa nito.

Sambit niya, “I really wonder who’s behind those memes. I mean, who created those memes that started about what? 10 years ago?”

“Thank you very much for making me one of the symbols of Philippine Christmas,” mensahe pa niya.

Sumunod na tanong naman sa kanya ng veteran journalist, “Ano pang memes ang gusto mong makita?”

Bigla namang nagsabi si Jose ng kanyang ideya at sinabing, “For example, I want to see a meme where I’m waking up early in the morning and then there’s a parol sa window [na parang], ‘Wow! It’s Christmas!’”

Ayan, nagkaroon na ng request ang batikang singer para sa mga susunod na memes na gagawin diyan.

Tinaguriang “Mr. Christmas” at “King of Filipino Carols” ang mang-aawit kaya nga sa tuwing nalalapit na ang “Ber” months ay makikita na ang kanyang mukha sa social media at ito na rin ang simula ng pagtugtog ng kanyang Christmas songs.

Related Chika:

Read more...